Chapter 21: Worried

374 8 1
                                    

<Jane's POV>

Yiiiee! It's monday at pasok na naman. And I love my skin. Kyaaaa! Tan na tan ako. ^___^

Grabe.. ang raming nangyari sa outing namin. Sobrang saya na sana eh kasi ang rami naming naging bagong friends gaya ni Lucky at Charlotte. Kaso.. may namuo namang tensyon kena Gian at sis. Mas malala kesa sa dati.

Napansin kong mas lalong iniiwasan ni sis si Gian. Tuwing pinupush namin sila together mas lalo lang lumalayo si sis, nagiging awkward tuloy. Pano kasi mas nagalit yata si sis na nalaman niyang si Gian ay ang kababata niya nun na close niya.

Pero sa totoo lang, wala naman dapat ikagalit si sis eh. Dapat nga sumaya siya kasi bumalik si Gian sa kanya. Kaya lang hindi ganun ang nangyari. Haist. Umiigting pa yata ang pagiging man hater ni sis.

Lord please.. Sana matapos na ang galit ni sis. Ako ang napapagod eh. Ako ang napapagod para kay Gian. Pero sana, hindi mapagod si Gian. Bahala na kung ibang tao ang mapagod para sa kanya basta huwag lang si Gian. Gusto ko siya para kay sis eh. Sobra. Siya na eh. Siya na ang perfect guy.

"Hey Jane, lalim iniisip natin ah? Ano yan ah?" kalabit sa'kin ni...

KYAAAAAAAAH!

Ni Gyle.. Omo.. kinilig ako bigla! Nawala lahat ng worries na iniisip ko bigla. Yieee! Naalala ko pa ang mga nangyari sa outing. I got to bond with him talaga! Naging close kami. ^___^

"Ah? Naku wala. Iniisip ko lang ang dream guy ko," sagot ko. At.. Uwaa! Hindi ko alam ba't yun ang isinagot ko. Nakakahiya. >////<

"Hahaha. Seryuso? Haha. Ang cute mo talaga. No wonder may na-fall sa'yo.." sabi niya.

E-Ehhhh? NA-FALL?

SA'KIN?

"W-what? Na-fall sa'kin?" I asked.

"Hahaha.. Yeah.." Seryuso ba talaga siya?

"S-sino naman?" Curiousity kills!

"It's for you to find out," he said then winked.

>/////<

KYAAAAHHH! Siya kaya yun?!

Okay. I'm assuming again. Aiissh. Pero.. sana.. siya nga. ^/////^

Natigil naman ang ingay sa loob ng ng classroom namin nang pumasok sina sis at Gian. Natahimik lahat ng mga nag-iingay naming mga kaklase, at nagsibalikan sa kanya-kanyang seats. Kala mo naman teacher yung dumating.

Nakakunot ang noo ni sis which is parang usual naman. Pero si papa Gian yung hindi unsual. Parang ang seryuso na ang tamlay ng mukha niya. Unlike sa usual self niya na nakangiti palagi pagpasok ng classroom.

Kahapon pa silang ganyan eh.. Mas naging cold kasi si sis tapos si Gian naman hindi na kinukulit si Sophy. Ang awkward nga sobra pag pinupush at tinutuksu-tukso sila nina tita at tito eh na mukhang ramdam din yung mas lumalaking gap sa dalawa.

Liningon ko si Drake sa likod. Hindi pa alam ng tatlo na magkababata sina sis at Gian, I supposed. Sabihin ko kaya sa kanila ang issue nang matulungan nila ako sa plano kong reconciliation sa dalawa?

After the class, I dragged Drake and Gyle for a secret talk. About Vince kung curious ulit kayo sa kanya, obviously ayaw magpahila ng lalaking yun. As if naman din kailangan ko pa ang tulong niya no? Pssh.

"Ano? You think, may mangyayaring maganda sa plano mo? Eh baka sa huli, makalbo lang tayo ni sis niyan eh!" I reacted nung sabihin ni Drake ang planong naisip niya para makapag-usap si sis at Gian.

"Let's just try it out, Jane. I guess, by that, makakapag-usap naman sila kahit papano," sang-ayon ni Gyle.

Ehh.. Kapag talaga si Gyle ang nagsasabi napapa-nod na lang ako.

I Hate You Because I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon