<Alex's POV>
Nang nasa beach na kami, sakto namang nagsiswimming na rin si bakla at si Charlotte kasama pa yung iba nilang kasama. Nakita nila ako.
Hulaan niyo kung ano ang reaction nung bakla pagkakita sa'kin. Tumawa lang naman siya. Aba't insulto na siya ah? Grrr. Pero keber!
Lumapit sila sa'min. Tapos ako talaga linapitan nung bakla. Kainis talaga siya.
"Oh.. What's that you're wearing?" Psssh. Tingin pa lang halatang nag-iinsulto na.
"Why? Something wrong with it?" taas-kilay na sabi ko.
"You're asking? Well, yeah." Tapos tiningnan pa niya ako ng mapanuya. Alam niyo, kunting-kunti na lang mapepektusan ko na talaga ang baklang ito!
Ngumiti ng sobrang lapad ang demonyitang bakla nang lumapit sa'min si Gian.
Ayoko siyang makaharap kaya umiwas agad ako. Pero sinundan niya ako.
"Please don't avoid me. Sophia, let's talk. Ilabas mo lahat ng sama ng loob, o galit mo sa'kin."
"No. Just.. Just leave me alone, pwede ba?!" I said exasperatedly.
"Okay, I understand," sabi niya. Bahala siya hanggang mapagod siya. Lumayo na ako sa kanya at lumapit kay Jane.
Nagswimming na nga kami. Yung apat na lalaki naman dinala nila Lucky at Charlotte at pinakilala sa mga kasama nila. Mukhang pinagnanasaan na yung apat nung mga babaeng naka-two-piece. Tsss. Ang mga babae talaga. Sobrang hilig sa looks.
Eh pare-pareho lang naman yang mga lalaking yan eh! Mapa-panget o gwapo man!
"Sis.. Yung kanina, ano ba talaga ang rason bakit ka tumakbo? You were almost crying nga eh.. Napansin ko yun.." sabi ni Jane habang nagpapalutang-lutang kami sa dagat.
"A-ah.. Yun ba? Wala nga yun. Tsaka ba't naman ako iiyak? Wala yata sa personality ko ang iyakin Jane?"
"Okay, pero bakit ka nga tumatakbo kanina?"
"Escaping that annoying Gian. Yun lang. Kung anu-ano na naman kasi ang ginagawa at sinasabi. Oh well, palagi naman eh." Pero parang hindi siya naniwala.
"Alam mo sis, hindi mo naman kailangang magtago sa'kin eh. You can tell me everything. I'm very willing to listen, and I'm very willing to be your shoulder kung kailangan mo yun ngayon."
Haist. Oo nga. Tama si Jane. Kaibigan ko siya, at wala akong kailangang itago sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang lahat. Yung pagiging magkababata namin ni Anghelo. Pati yung kanina na nalaman ko nga na siya pala talaga si Gian.
"OMG! Kaya naman pala ganun ka-attached sa'yo ang gwapong papang 'yan! Pero sis. Ayaw mo ba siya bigyan ng chance? He fulfilled his promise to you. Hindi mo ba i-coconsider yun? At mahal ka niya sis. Kitang-kita naman eh."
"Ayokong magtiwala at maniwala ulit, Jane. Oo, maaaring naging mabuti siya sa'kin. Oo, bumalik nga siya. Pero, halos isang taon na Jane. He came back from the States matagal na. Pero hindi niya ako pinuntahan."
"Ilang weeks pa lang ba siya nagpakita ulit sa'kin? Ano ang iisipin ko? Isa pa, ba't hindi siya nagpakilala agad? Bakit nagpakilala lang siya nung tanungin ko siya? Kung hindi ko tinanong hindi niya sasabihin?"
"Pano kung pagkukunwari lang ang lahat na sinasabi at pinapakita niya sakin, at napilitan lang din siya gaya ko dahil sa arranged marriage na ito? Pano kung kagustuhan lang ito ng parents niya? Pano kung hindi niya naman talaga ako mahal?" sabi ko.
"Hayy.. Sis, can't you really see? Mahal na mahal ka niya. Hindi lang ako, but all the people around you see and feel that. He is true to you. That's what I'm always seeing in him.. Sa mata niya tuwing nakatingin siya sa'yo, sa lahat ng ginagawa niya para sa'yo.. His love for you is overflowing."
BINABASA MO ANG
I Hate You Because I Love You
Teen Fiction[COMPLETED] She's a hater. He's a man who loves unconditionally. She hates him. He loves her. Fate made them together. Her hate became deeper. Is his love strong enough to conquer her hate? Is he strong enough to make the man hater fall for him? Can...