Chapter Three

326 7 9
                                    

Chapter Three

Debate

Halos dalawampung minuto na akong narito sa comfort room. Hindi pa rin ako lumalabas dahil baka makita ko na naman ang bagyong Sage. Tuloy ay may mga nagagalit na sa akin na gusto ring gumamit ng palikuran.

"Miss? Matagal ka pa diyan? Kanina pa ah."

"Ano na? Sasabog na ang pantog ko! Kagagaling ko lang sa UTI mukhang babalik na naman!"

"Labas na diyan, miss! Cr 'yan hindi tambayan!"

"Nakatulog na yata si ate girl," dinig kong sabi ng isang babae. Shocks, ang malas ko naman ngayong araw. Wala akong dalang pamalit bukod sa scarf na dala— I have my scarf! Ginamit ko iyong upang maitago ang pangtaas kong nabasa ng kape. Naging v-neck ang dating at oversized ang mga manggas.

"Not bad," I said. Nakayuko akong lumabas. Hindi ko inakalang ang haba na pala ng pila.

"Bakit ang tagal mo naman sa loob, miss?" Tanong ng isang babae.

"A-Ano po kasi, may humahabol sa akin kanina na mukhang rapist kaya ako nagtago sa loob. Natatakot po kasi ako," pagsisinungaling ko. Mahabaging hangin, hindi ko intensyong magsinungaling.

"Kaya naman pala, nakakatakot talaga ang ganyan. O siya sige, mag-iingat ka," I shyly smiled at her. Naglakad ako ng mabilis at nang makalayo ay tsaka ako tumakbo. Ang ending, hinihingal akong dumating sa café.

"What took you so long, Ri?" Bungad ni Sam.

"Long story, abutan mo 'ko ng tubig, Den," utos ko kay Hayden at agad naman niya akong binigyan ng isang baso ng tubig.

"Nagpunta ka ba sa mall? I like your outfit, ang ganda— oh wait. Is this a scarf?" Tanong ni Savina matapos hawakan ang manggas ng suot ko.

"Yeah, someone spilled her coffee in me," wika ko na para bang ipinaliwanag ko na sa kanila ang lahat.

"O siya sige, sit here, Ri. Kanina pa ako nagugutom," Avery demanded.

"Asus! Gutom-gutom, kanina ka pa nga kumakain–" then Avery glared at Hayden.

"Gusto mong bigwasan kita?!" Asik ni Avery.

"—sabi ko nga gutom ka na, sorry na, Ave" dagdag ni Hayden na para bang isa siyang maamong aso.

"Kumain na tayo," Bailey said and slid cups of drinks to each one of us.

"Ri, oh," then Savina lent me a plate of food. I guess it's not a bad day at all, 'wag ko lang makikita ang bagyong Sage.

"Tapsilog? Ang bait naman ni Mama Emz, may pasobra pang sisig at extra garlic rice," saad ko. Ganoon ang kinakain naming lahat. Walang sumagot sa akin dahil lahat ay abala sa pagkain.

"Ay oh! Grabe naman kayo mga anak, hindi ba kayo pinapakain sa bahay niyo?" Dinig kong tanong ni Mama Emz. Alam kong hindi lang ako ang nakarinig sa kaniya pero wala talagang pumansin kay mama.

"Ano? Hindi niyo 'ko papansinin dito?" I saw her in my peripheral vision. Nakapameywang na ito at umalis, mayamaya ay bumalik na may dalang megaphone.

"HOY! MGA ANAK!" nabulabog ang lahat ng tao sa café.

"Pasensya na kayo," paumanhin ni Mama Emz sa mga customer.

"Hoy, hindi niyo 'ko papansinin dito? Pababayaran ko 'yang mga–"

"Ma!" Halos sabay-sabay pa naming sigaw.

"Ayan tayo, kapag narinig lang na pababayaran ang mga kinain tsaka lang ako papansinin. Ganyan ba kayo kagutom? Dalhin niyo ako sa mga magulang at tatanungin ko kung pinapakain ba kayo sa inyo," mahabang litanya niya sa amin.

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Where stories live. Discover now