Chapter Thirty

326 2 0
                                    


Chapter Thirty

Nice to meet you

"Wooh! Shet naman! This is going to be freaking wild!" Avery screamed while dancing on the dance floor.

Nakarating kami sa club after dinner at talaga namang paninindigan nila ang "we're gonna be wild tonight." Pagkadating pa lamang namin dito ay kani-kaniya ng kuha ng inumin ang mga kasama ko habang ako ay hindi pa natutunawan sa aking hapunan.

"Punyeta ang pogi!" Malanding sigaw ni Ruby sabay turo sa lalaking nakaupo sa couch habang kasama ang marahil mga kaibigan niya.

"Gaga ka, Ruby. Ang ingay mo, nakakahiya," paninita ko sa kaniya pero ang loka-loka ay mas nilakasan pa ang sigaw.

"KUYANG NAKARED NA POLO! ANG POGI MO SHET KA!" mabilis kong tinakpan ang kaniyang bibig nang mapadako sa pwesto namin ang lalaking sinisigawan niya.

"Ruby, please lang manahimik ka na. Nakakahiya, ayoko na," nagmamakaawang sabi ni Savina habang katabi ang kaniyang nobyo na walang iba kundi ang kababatang kapitbahay— si Sam.

"Oy, oy, oy, gasolina ba 'yan? Tabi, sasayaw ako," pagewang-gewang na naglakad si Ruby at pumunta sa gitna ng dance floor.

"Jusme, Andriette. Ano bang pinakain mo kay Ruby at ganiyan kahyper? Hindi ko na mabilang kung nakakailang baso— hephephep, Oliver. Saan ang punta mo, aber?" Kapagkuwang tanong ni Bailey kay Oliver na naglalakad palayo.

"Susunduin ko lang sa labas si Sugar Daddy," pabirong sagot niya, si Hashim ang tinutukoy.

"Siraulo, Sugar Daddy raw," ani Hayden tsaka tumawa.

"Ruby!" Pagtawag namin ni Savina ngunit tila hindi kami naririnig ni Ruby.

"My God, hindi na ako ganiyan kalasinggera. I've changed," mayabang namang wika ni Avery at itinaas ang pangatlong baso niya ng margarita.

"I've changed daw, tapos mamaya nasa pangsiyam na baso na 'yan— aray! Joke lang naman, tangi," biro ni Hayden matapos siyang paluin ni Avery.

"Tangi-tangi ka diyan, tangina mo," tugon naman ni Ave.

"Tama na nga. 'Yan na naman kayong dalawa, bakit ba hindi na lang kayo maging magkarelasyon," sabad ni Sam tsaka yumakap kay Savina.

"Oo nga, kayo rin naman magkakatuluyan," dagdag ni Bailey.

"Bagay kayo," si Oliver naman na kararating lang kasama si Hashim.

"May chemistry na kayo simula pa dati, ayaw lang nila mag-aminan. In-denial moments," ani Hashim.

"Hi, Hashim. How are you?" I asked. Lumapit siya sa isa-isa sa amin at bumeso.

"Fine, focused sa practice namin para sa band tour," sagot niya tsaka tinanggap ang alak na iniabot ni Sam.

"Ang layo na ng nararating ng Atlas. Parang noong huling napanood namin kayo e performance niyo pa bago magsimula ang tournament," wika ko.

"We're so grateful sa lahat ng support, lalo na sa founder ng Atlas of course. This sounds cheesy but Sage's saved us. From being no one to being one of the stars. He literally changed our paths," Oliver then added.

Hearing those from them makes me feel proud of what they've become. They are really born to shine. Sage's dream is now coming into his life and I could never be any more proud of him. He may not know what I truly feel but I will continue to support him in silence. I will cheer for him in silence. I will continue loving him… silently.

"Let's enjoy this night! Congratulations, graduates!" Hiyaw ko nang mapansing tahimik sila.

Sinulit namin ang buong gabi at talaga namang nakakabutas ng bulsa ang bill namin. Nauna na kaming umuwi ni Ruby dahil lasing na lasing na siya. Sina Savina, Avery, at Bailey naman ay umuwi na rin. Samantalang ang mga lalaki ay naiwan pa dahil hindi pa raw sila nalalasing. Nagkukwentuhan lang naman kasi sila st paunti-unti lang ang naiinom.

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon