Chapter Twenty

203 1 0
                                    


Chapter Twenty

Hit

"You fucking bitch! Bakit mo ginawa 'yon?!" Hindi ako nagdalawang-isip na sugurin si Avery.

"Bakit? Deserve namang malaman ni Sage 'yon, ah? Cheater," nanunuyang aniya.

"He deserves to know it, yes! Pero hindi buong katotohanan ang ibinigay mo sa kaniya!"

"What is going on here?" Hinihingal na tanong ni Hayden matapos nilang magsitakbuhan patungo sa kinaroroonan namin.

"Cheating scene lang naman ni Andriette," kaswal na sagot ni Avery.

"Cheating?" Bailey curiously asked. Ipinakita naman ni Avery ang mga larawang nakuha niya pati na ring ang nairecord niyang sinabi ko.

"Tingnan mo nga naman, cheater ka pala, Andriette?" Natatawang wika ni Savina.

"That's not true! Yes, sinabi ko nga 'yan pero putol ang record ni Avery. Bakit cinut mo, ha? Ang galing mong manira pero hindi mo ipinaparinig ang buong detalye? At bakit ka ba nakikialam sa usapan ng iba?" I raised my eyebrow at Avery.

"Paano mo naman nasabi na putol ang record ni Avery?"

"I heard it, ako ang kausap ni Andriette. Hindi lang 'yong ang sinabi niya. Stop these accusations, Ave," Sam finally spoke today to defend me.

"What about the photos? How will you explain, huh?"

"It meant nothing, okay? We're talking about things between us! At hindi ko kayang lokohin si Sage!"

"Balak pa yatang manira ng relasyon nitong babaeng 'to. Narinig ko ang sinabi ni Ri kanina, hindi lang 'yan ang sinabi niya. Ang sabi niya ay hanggang kaibigan lang ang tingin niya kina Sam at Hayden kaya imposibleng niloloko niya si Sage," Bailey revealed. Sa kaniya naman nalipat ang atensyon naming lahat.

"Anong ginawa mo? Nakichismis ka lang din naman. We're on the same page," Avery teased her.

"Nagpaalam ako kay Hayden na susundan si Andriette pero naabutan ko silang nag-uusap. Narinig ko ang iba nilang usapan, ibig sabihin hindi lahat. Pero nasisiguro kong putol ang recorded audio mo. Isa pa, we're not on the same page, Avery. Hindi ko kayang manira ng relasyon ng iba kahit galit pa ako sa taong 'yon. Hindi ako kagaya mo, pathetic human," dagdag ni Bailey dahilan para matahimik silang lahat, lalo na si Avery.

"Ri, Ley, let's go," hinila na kami ni Hayden palayo sa kanila.

"Are you okay?" Pangungumusta ni Bailey sa akin habang nakasakay kami sa taxi.

"I don't know," sagot ko.

I am scared right now. The way Sage talked to me earlier bothers me. Alam kong walang katotohanan ang pinagsasabi ni Avery sa kaniya. Pero nakokonsensya pa rin ako dahil alam kong may pagkakamali rin ako. I shouldn't let Sam touch my hand. I should have told Sage where I was going at kung anong gagawin namin. Now he thinks that I was lying dahil sa litratong ipinasa sa kaniya ay kami lang ni Sam ang naroon.

"Try to call him," saad ni Hayden.

"He's not answering," dismayado kong tugon nang ilang beses niyang hindi sinagot ang mga tawag ko. Kung ganito ang mangyayari, hindi ko siya makakausap. Malayo si Sage ngayon at ayaw niya pang sagutin ang mga tawag ko.

"Den, try mo ngang tawagan sila William. Siguro naman kasama nila si Sage," pag-utos ni Bailey kay Hayden.

"Di sumasagot sa messenger e, wala rin akong load. Kuyang drayber, baka po may load ka, papasa naman," kamot-ulong sagot ni Hayden.

"Ay wala rin akong load, Ser. Pasensya na," tugon ng drayber ng taksi.

Abala ako sa pagkontak kay Sage samantalang ang dalawang kasama ko ay tinutulungan din ako. Ilang beses kong tinawagan at itinext si Sage pero ni isang beses ay hindi niya man lang 'yon sinagot.

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Where stories live. Discover now