Epilogue

439 5 0
                                    

Thank you for reading this far! This will be the last part of this story, enjoy reading!

Epilogue

"Hon! Kunin mo muna si Charlotte rito, please! Mag-aasikaso lang ako ng orders!" Ani Andriette mula sa kusina. Kasama niya ang panganay naming anak na si Charlotte.
Kaagad akong tumalima para makakilos na siya nang maayos.

"Dada!" Pagtawag niya sa akin nang makita akong papalapit.

"Come here, 'wag na muna nating abalahin si Mama at baby sa tummy, alright?" Itinaas ko ang aking isang kamay para makipag-apir sa anak.

"Hon, tapos ka na ba sa ginagawa mo? Pwede ba akong magpatulong saglit?" Tanong niya sa akin.

"Hindi pa pero pwede ko namang ipagpatuloy mamaya o bukas. Don't worry, kaya ko 'yon," tugon ko, tinutukoy ang pagsasaayos ng iskedyul ng magiging concert ng banda naming Atlas.

"Pakitulungan muna akong ilagay 'tong orders sa box. 'Yong cakes doon sa round na lagayan, then cupcakes, and brownies doon sa medyo mababang kahon."

"I'll do this, magpahinga ka muna. I'll massage your back later. 'Wag mo munang pahirapan si Mama, 'nak," pagkausap ko sa sanggol na nasa sinapupunan niya.

"Mama, can we take a look at this," pagturo ni Charlotte sa nakitang wedding album namin ni Andriette.

"Sure, halika dali," naupo sila sa upuan at sabay na tiningnan ang mga larawan.

It took us five years before we got married. We took things slowly and we got to know each other much better than it consumed two years of our lives. After two years of courting her, we got back together and that lasted three years. Our fourth anniversary was approaching when I decided to propose to her.

Kinontak ko ang lahat ng malalapit sa kaniya. Mula sa kaniyang mga magulang, ang Atlas, ang pinamakatalik na pinsan— si Ruby, si Mama Emz, at Tita Gie. Nagbook ako ng ticket noon papuntang Agusan Del Norte para roon magpropose. Kaming dalawa lang ang umalis at wala siyang kaalam-alam na papunta na rin doon ang mga taong inimbita ko.

It was summer, and the sun was rising. There was this place called Puting Bato. It was a deck view of the green mountains. We went there to celebrate our fourth anniversary. Andriette and I ate puto maya and drank sikwati in the nearest kapehan before we headed to the deck view.

Pagkarating sa view deck ay tanging kaming dalawa lamang ang naroon. Naglatag siya ng komportableng mahihigaan sa likod ng pick-up truck na dala namin. Nakaayos din ang mga unan at ibang pagkain para sa panonood namin sa pagsikat ng haring araw.

I still remember how shocked she was when her family and friends went there to surprise her. Kinanta ko ang Gotta Be You ng One Direction, isa sa mga paborito niyang banda, habang ang aming mga magulang, at mga kaibigan ay sumasayaw sa aking likuran.

That moment was so unreal that it made me cry by just asking her to be my wife. Naging katuwaan pa nga nila ang pang-aasar sa akin dahil mas naiyak pa raw ako kaysa kay Andriette na siyang niyaya kong pakasalan. Hindi ako nagalit o nainis man lang sa mga pang-aasar na iyon, bagkus ay natuwa at nakisabay din sa biruan nila.

Anim na taon na kami ngayon bilang mag-asawa ni Andriette, magkasamang pinapalaki ang tatlong taong gulang na panganay naming anak na si Charlotte, pati na rin ang paparating pa naming ikalawang anak.

Kung susumahin, labing-isang taon na rin kaming magkasama ni Andriette mula noong pumunta ako sa opening ng bagong bukas niyang bakeshop. Marami kaming natuklasan sa isa't isa sa loob ng maraming taon. Hindi rin namin minamadali ang oras at natuto kaming maghintay sa tamang panahon.

When we got married, Charlotte wasn't born in an instant. It took us years before we decided to start a family. We made sure that we are stable enough to provide for our future family. Plans before decision making, that's our motto.

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon