Chapter Sixteen

233 5 0
                                    

DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Song:

If by Bread

Chapter Sixteen

Mess

"Everything's gonna be okay," that's what Sage told me the moment he opened his arms for me, to give me comfort. We stayed like that for a while, he didn't push me away nor told me to let go. He just waited for me to stop crying, patiently.

"You okay now?" He asked when I pulled out from his arms.

"If I tell you that I am, you'll probably think that I am lying," I bitterly said. 

"Sama ka?" Tanong niya sa akin.

"Saan?" Tanong ko pabalik ngunit hindi na siga nagbigay ng sagot. Tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad papunta sa kung saan.

"Hoy! Inaneto ayaw sumagot," asik ko at humabol sa kaniya. 

"Paunahan papunta sa mini mart, ang mahuli manlilibre," naalerto ako nang sinimulan niya ng tumakbo.

"Hoy, Sage!" Sigaw ko habang pinupunasan ang natirang luha sa aking pisngi. Kumaripas ako nang takbo para maunahan siya. Napangiti ako nang maharang pa siya ng batang nagtitinda ng cotton candy kaya nahinto siya sa pagtakbo. Huminto rin muna ako mula sa pagtakbo nang mapagtanto ko na kaunting dipa na lang at makakarating na ako sa mini mart. Wala siyang nagawa kundi bumili ng itinitinda ng bata.

When I watched him, I was mesmerized by his aura. He's very charismatic. His square-shaped face is strong and his jawline is well-angled. His lips are small, eyes are in honey brown color, his nose is not that pointed yet not that flat. Hindi ko alam pero mas lalo siyang naging maappeal sa paningin ko. I found him handsome the moment I laid my eyes on him. Ngunit iba talaga ang pagkagwapo niya sa paningin ko ngayon. 

"Andriette!" Pagtawag niya at itinaas gamit ang dalawang kamay ang binili niyang cotton candy. He smiled at me and everything just stopped. My heart began to race and it beat far from my usual heartbeat. Tila dumoble ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko mawari kung dahil sa pagkaripas ko ng takbo o itong nakikita ko ngayon.

"Hindi pa tapos ang karera—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at itinuloy ko ng ang pagtakbo. Kaagad akong pumasok sa mini mart at dumiretso sa beverage section. 

"Andriette?" Tawag niya sa pangalan ko nang hindi ako makita. 

"Calm down, what the hell is wrong with me?" I whispered to myself. Gamit ang convex mirror ng mini mart ay pinanood ko ang galaw ni Sage. Patuloy pa rin siya sa paghahanap sa akin at patuloy din ako sa pagtatago. Alam ko namang wala akong matataguan dito, pero ayos na sa akin na madelay ang paglapit niya. This is not me. This isn't you, Ri.

"Shit!" I gasped when someone held my shoulder. 

"Hey, are you okay? Kanina pa kita hinahanap," aniya. He looks concerned and I don't know how to put myself together.

"Earth to Ri, hey?" Gamit ang kamay ay iwinasiwas niya iyon sa tapat ko.

"Kulang lang ako sa tulog. Nanalo ako, talo ka, face the consequence," pagsisinungaling ko sabay iwas ng tingin. Lintik, hindi naman ako ganito kila Hayden o maski sa ibang tao ngunit hindi ko mawari kung bakit ganito ako sa harap niya. 

"Here," pag-abot niya sa akin ng plastik ng cotton candy. 

"Aanhin ko 'to?" Nakataas pa ang kilay na tanong ko.

"Ngunguyain, kakainin, anong gusto mo? Inumin mo 'yan?" Aba. Tingnan mo 'tong isang 'to, ang lakas ng loob mambara. 

"Gusto mo na bang makita si Saint Peter?" 

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Onde histórias criam vida. Descubra agora