Chapter Nine

242 5 0
                                    

Chapter Nine

Alpha and Atlas

Was the song really dedicated to me? Ano namang dahilan at sa akin niya inalay iyong kanta?

"Ri!" Savina said then snapped her fingers in front of my face.

"H-Huh?" I curiously asked.

"Gusto mo pa ba ng beer?" she then asked.

"Wine na lang," sagot ko. Nagsalin siya sa kopita ng white wine bago iyon iniabot sa akin.

"Anyway, as I was saying why don't we hang out together? Imagine Alpha and Atlas in one frame," Avery suggested.

"I think that's a great idea since malapit na ang training niyo," pagsang-ayon ni Hashim.

"How about you bro? Kayo guys ayos ba?" Kapagkuwang sabi ni William sabay tingin sa amin. Tumingin naman ako kila Sam para makakuha ng isasagot. I don't even know kung okay ba or hindi. Bahala sila kung saan sila masaya.

"It's okay kung anong desisyon niyo," sagot ko sabay lapag ng kopita sa lamesa.

"Ikaw Sam? Savina? Bailey? Hayden? Sage?" tawag ni Oliver sa kanilang mga pangalan habang nagsasalit-salit ito ng tingin. Sumang-ayon sila sa planong maghang-out ang mga grupo namin. I don't see any problem with that, kay Sage meron siguro.

"Ikaw, Den? Gusto mo ba?" tanong ni Sam kay Hayden.

"It's fine—" naputol ang sasabihin ni Hayden nang sumabat si Avery.

"Yes na 'yan si Hayden, so tuloy na ito ha?" ani Avery sabay lingon kay Hashim na matamis ang ngiti. I looked at Hayden, he was about so say something pero nauwi na lang buntong hininga. Sandali pa akong tumingin sa kaniya, pinapanood ang reaksyon niya.

"Ley, don't you think that Den is weird since earlier?" I whispered at Bailey. Tumingin din ito sa gawi ni Hayden bago sumagot.

"Yes, he's acting weird. Hayaan na muna natin baka may iniisip iyan," bulong ni Bailey pabalik.

"Aren't you tired?" tanong ni Hayden kaya napalingon kaming lahat sa kaniya.

"Hindi pa naman," sagot ni Avery.

"I'll go home," aniya pagkatapos ay tumayo na.

"Maaga pa naman—" ani Hashim.

"I'm tired. Balitaan niyo na lang ako sa hangout na iyan. Bye," iyon lang at umalis na si Hayden.

"Mauuna na rin ako—" I said then stood up but Sam stopped me.

"Sinong maghahatid sa 'yo?" He asked.

"I can manage, don't worry about me. Si Savina na lang ang ihatid mo," sagot ko at tinapik ang kaniyang balikat bago ako lumabas para sundan si Hayden. Sakto namang naabutan ko siya sa parking lot, mukhang hinihintay ang kotse niya.

"Den," pagtawag ko sa kaniya at gulat pa itong lumingon sa akin.

"Uuwi ka na rin?" tanong niya at tumango ako bilang pagsagot.

"Hinihintay mo iyong sasakyan mo?"

"Yes, malapit na raw si manong," tumabi ako sa kaniya at bumuntong hininga.

"Alam mo, Den. Kapag nasasaktan, 'wag kang aalis bigla. Mas lalo mo lang pinapakita na apektado ka," sabi ko habang pinapanood ang mga sasakyang dumadaan.

"I don't know what you're talking about," sagot niya habang may binabasa kunwari sa kaniyang cellphone.

"Yes you do, indenial ka lang," I rolled my eyes at him. Tumingin ito sa aking likuran tsaka tumango bigla. Napalingon din ako roon dahil sa pagtango ni Hayden, at doon ko namataan si Sage na nakapamulsa't nakasandal sa kaniyang motor.

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Where stories live. Discover now