Chapter Ten

248 5 2
                                    

DISCLAIMER: THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER IS NOT MINE. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Chapter Ten

Day 1

"Tara na para maabutan pa natin iyong sunrise," kaagad na akong tumayo nang marinig iyon mula kay Oliver. Bumalik na kami sa sasakyan at ako pa rin ang nagmamaneho dahil malapit na rin naman.

"Maybe it's the way she walked, straight into my heart and stole it. Through the doors and past the guards, just like she already owned it~" pagkanta ni Hayden nang marinig ang kantang iyon mula sa radyo.

"I said can you give it back to me? She said never in your wildest dreams~" ang ingay namin dahil lahat kami ay kumakanta, may pasayaw-sayaw pa ngang nalalaman si Avery at Bailey na lalong nagbigay tuwa sa amin.

"And we danced all night to the best song ever. We knew every line, now I can't remember. How it goes but I know that I won't forget her. 'Cause we danced all night to the best song ever!" excited na silang lahat, maging ako, dahil kakaunti na lang ay makakarating na kami sa paroroonan.

"Excited na akong magbeach besties! Ack!" tili ni Avery at pumalakpak pa. I am excited too, matagal-tagal na rin noong huli akong nakabisita dito.

"Guys, kape muna kayo," sabad ni Oliver at isa isa kaming binigyan ng kape.

"Thanks," I said after I got the coffee.

"Tara, doon tayo banda!" turo ni Savina sa malaking kahoy malapit sa dagat. Naglakad kami papunta doon. Lumulubog pa ang aming mga tsinelas sa buhanginan kaya tinanggal ko ang akin at nakayapak na naglakad. I sat on the log when we reached it. Pinanood ko na lamang sina Bailey, Avery, at Savina na nakikipaghabulan sa alon. Tawa sila nang tawa nang maabutan sila ng tubig na pabalik sa dalampasigan.

I roamed my eyes around our place, may mga bundok sa malayo ngunit tanaw dito sa aming pwesto. May mga mangingisdang nagpupunta na sa gitna ng dagat para manghuli, nagliliparang mga ibon, at unti-unting pag-ingay ng paligid dahil sa mga nagdadatingang turista.

"It's beautiful, isn't?" tanong ni Sam matapos umupo sa aking tabi.

"Yeah, it's been a long time since I went to the beach and watched the sunrise," sabi ko habang nakangiting pinapanood ang pagsikat ni haring araw.

"Ri, may itatanong ako," ani Sam.

"Go ahead," I said while being mesmerized by the sunrise.

"What if there's someone who's secretly has a crush on you?" He caught my attention, the reason why I turned my look at him.

"Ano naman? I mean what if there's someone—"hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tawagin ako ni Sage.

"Andriette!" naagaw niya ang atensyon ng lahat nang isigaw niya ang pangalan ko.

"What?" I asked.

"Sama ka sa palengke?" agad na lumiwanag ang aking mukha nang marinig iyon. Hindi na ako nagdalawang-isip na tumayo at tumakbo papunta sa kinaroroonan niya.

"Alis na muna kami," wika ni Sage at naglakad papunta sa sasakyan.

"Tayo lang dalawa?" kuryoso kong tanong sa kaniya.

"Yeah, may mga gagawin sila, kung ayaw mo naman edi 'wag. Bahala ka kapag 'di ka sumama, sayang—"

"Oo na, tara na! Ang dami pang sinasabi, you asshole," I rolled my eyes at him then went and sat on the seat beside him. Ang mokong ay nakasuot pa ng sunglasses at nakangisi.

"Why are you smirking?" I raised my eyebrow at him when he finally went inside.

"So what?" I bit my lower lip to hide my irritation.

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Where stories live. Discover now