Chapter Twenty Four

192 1 0
                                    

DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Song: Now and Forever by Richard Marx

Chapter Twenty-Four

Chester Sage

"Hala, gago? Ikaw na ba 'yan?!" Histerikal na tanong ni Hayden. Sinampal niya pa ang kaniyang sariling pisngi at kinusot ang mga mata.

"It's so nice to see you again, Molina. Halika na, huling pag-eensayo na natin ito," ani Coach Alvin at iminuwestra na pumunta ako sa pwesto nila. Lahat kaming manlalaro ay nagpalibot, bumilog para mailagay ang coaches naming sina Coach Alvin at Miss Molina.

"Welcome back sa team, Calliope," I smiled when I heard Ruby's voice. I used to hate her calling me by that name but now, it feels so nice.

"Let's go, chess department! We will win, we won't lose!" We all said in unison. Pumunta na rin kami sa kani-kaniyang pwesto para makapaglaro na. Huling araw na ng training at si Ruby na lang ang natira maliban sa akin. Hindi man ako nakapagtraining noong mga nakaraan ay sinabi na nina coach na kami rin talaga ni Ruby ang maglalaban. Sina Savina, Hayden, at Sam ay nanalo rin kaya sila ang maglalaro sa tournament. Kung sakaling manalo ako, kaming apat ang tutuloy bukas.

"Andriette vs Ruby tayo ngayon. Everybody sit down, last day na ng training, the board is yours. Best of two tayo.Start the timer." pahabol pa ni Coach Alvin.

"Ready, niece?" Mayabang na tanong ni Ruby matapos maupo sa upuang katapat ko.

"Ikaw? Ready ka ng matalo?" I replied then sat on my chair.

"You wish," she replied then moved the pawn. She's playing white pieces so she has an advantage to open the game the way she wants to. I'm playing the black pieces so my goal is to counterattack then defend my pieces.

"Go, Andriette!"

"Galingan mo, Ruby!"

"Wooh! Baka beshie ko 'yan! Go, Riri!"

"Let's go, Ruby!"

Iilan lamang 'yan sa mga naririnig namin mula sa mga kapwa namin manlalaro na nanonood ngayon. Napapalibutan nila kaming lahat at talaga namang nasa amin ang buo nilang atensyon. Aaminin kong kinakabahan pa rin akong makatapat si Ruby. She's a damn great chess player, kaya sa tuwing siya ang nakakalaban ko, hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

"Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa. 'Pagkat nadarama'y ligaya, lahat ng naisin mo'y aking ibibigay 'Pagkat ikaw ay aking mahal," biglang pagkanta ni Hayden na tinutulan naman ng marami.

"Wag ka ngang maingay diyan, Hayden!" Asik ng lahat sa kaniya.

"Kajejehan mo naman, Den. Manahimik ka na lang diyan. Sarado mo lang 'yang bibig mo, nangangamoy," pang-aasar ni Savina. Mabuti na lang at wala rito sina Avery at Bailey dahil kung narito sila, malamang ay naging palengke na itong training room namin.

"Nagtoothbrush naman ako, grabe ha, Sav," depensa ni Hayden.

"Quiet, hindi na makapagfocus itong dalawang 'to," paninita ni Miss Monica kila Hayden.

"Sorry po," Savina mouthed.

"Holding your breath, Ri?" Ruby sarcastically asked then moved one of her knights.

"Just keeping myself focused," I replied with sarcasm, too.

She's so confident while I am competitive so neither of us wants to lose. Tensyonado ang unang round namin lalo na nang manalo si Ruby. Ako naman ang naglalaro ng puting parte sa ikalawang laban, pagkakataon ko na rin para makalamang sa kaniya.

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon