Chapter Twenty Eight

223 2 0
                                    


Chapter Twenty Eight

Let Him Go

"He's inside, pwede niyo naman na siyang puntahan. Natanggal na iyong bullets sa braso niya, at sabi ng doktor ay kailangan lang magpahinga ni Sage," si Mommy ang sumagot para sa akin. Lumabas kami sa recovery room ni Sage para pakalmahin muna ako.

"Pupuntahan lang namin si Sage," ani Tito Dom at pumasok sa loob kasama ang ina ni Sage.

"Ri, 'nak. Ayos ka na ba? Mag-iisang oras kang ganiyan," sabi ng aking ina.

"Yes, Mom. Okay na po ako," tugon ko at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Pwede muna ba kitang iwanan dito? Pupuntahan ko lang ang Daddy mo," tumango ako bilang pagsagot at sinabihan siya na ayos lang na iwanan niya muna ako.

What happened earlier altered my whole existence. Sa palabas ko lamang nakikita ang mga ganoong pangyayari. Hindi ko naman lubos akalaing mangyayari rin iyon sa akin. I was scared that I might lose the people I love in just a night, but I was also scared that I might die. I wasn't prepared for anything that had happened to me, it never crossed my mind, never in my damn life.

Tuluyan na akong nakakalma at nanatili muna ako sa labas. Tsaka na lamang siguro ako papasok sa kwarto ni Sage kapag wala na ang parents niya roon. Nakakahiyang pumasok at magpakita sa kanila lalo pa't ako rin ang dahilan kung bakit napunta sa peligro ang buhay ng anak nila.

It took me half an hour sitting there alone when Sage's Mom went outside then sat beside me.

"Ikaw ba si Andriette?" Tanong niya tsaka ako inabutan ng tsokolate. Tiningnan ko ang binibigay niya at nang mapansin ang pagkakailang ko ay siya na mismo ang naglagay ng 'yon sa aking kamay.

"Opo, how did you know?" Nahihiyang sagot ko.

"Madalas kang ikinukwento sa akin ng anak ko. By the way, that's his favorite chocolate," patukoy niya sa binigay na tsokolate. Binuksan ko iyon at tinikman, nakasandal lang kaming pareho sa sandalan ng upuan at tahimik lamang. Nagkakapaan pa siguro kami dahil ngayon lamang kami nagkita.

"Ma'am… I'm so sorry for what happened to Sage," pagbasag ko sa katahimikan.

"It's not your fault. Hindi ikaw ang nanakit sa anak ko, Andriette. Hindi ka namin sinisisi, 'wag mong iisipin na ikaw ang tinuturo naming dahilan sa naging kalagayan ng anak namin," she assured.

"Ngayon na lang kami ulit nagkita ni Sage tapos ganito pa po ang nangyari," mapakla akong natawa.

"He never stopped loving you. Naikwento niya sa akin halos lahat ng tungkol sa iyo pati na rin 'yong nagawa niya. Hindi ko alam ang side mo pero sana magkaayos pa kayo. Drop the Ma'am, just Tita Kate. Masyadong formal ang ma'am mo, hindi ka na iba, you're Sage's girlfriend after all."

"Ex-girlfriend po," pagtatama ko.

"Whatever you call that."

"Pareho kayo ng sinabi ni Tito Dom, nakakatawa lang isipin."

"Really? Gaya-gaya talaga 'yon," pagbibiro niya at natawa naman kami pareho. Mayamaya pa ay lumabas na rin ang ama ni Sage para sabihing gising na siya.

"Hahayaan muna namin kayong dalawa na makapag-usap," tumango ako at pumasok sa loob.

"Wala na, ayoko na, bawas pogi points na ako," aniya habang tinitingnan sa salamin ang kaniyang mga ngipin. Hindi naman mahahalata na kulang na ang ngipin niya sa tuwing ngingiti siya, pero siyempre, hindi rin masaya sa pakiramdam na hindi na kumpleto ang ngipin niya.

"Pogi ka pa rin naman," sabi ko at naupo sa kaniyang tabi.

"Ri," pagtawag niya sa akin.

"Hmm?"

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Where stories live. Discover now