Chapter Twenty One

208 1 0
                                    


Chapter Twenty One

Matched

My vision became blurry but I managed to hear noises around me. The sound of the ambulance. Panicking voices of my parents. Sound of the wheels of the hospital bed as they moved me. I heard those but couldn't see them clearly.

Bagamat naririnig ko ang ingay mula sa aking paligid, hindi ko naman makita ang kalagayan ko. Wala akong maramdaman habang nakahiga sa kamang tulak-tulak ng mga nars na rumesponde sa akin.

"Oh my God! Ri! Angelo, ang anak natin!" Umiiyak na sigaw ng aking ina mula sa kung saan.

"Lyca, tawagan mo si Ruby. Tanungin mo kung kasama ba niya 'yong mga kaibigan ni Ri."

Iyon na lamang huli kong narinig at tuluyan na akong nawalan ng ulirat.

Nang magising ako ay nadatnan kong nag-uusap ang aking mga magulang. Hindi siguro nila napansin ang pagmulat ko kung kaya't itinuloy nila ang pag-uusap. Hindi man ganoon kamulat ang mga mata ko ay naging sapat naman iyon para makita ko sila kahit papaano.

"Angelo, anong gagawin natin? Kailangang masalinan ni Andriette ng dugo. We both know that our blood won't be matched to her. Saan tayo kukuha ng blood donor? Her parents died a long time ago and we don't know them nor their relatives," tinig ng aking inang problemado.

"Lyca, nacontact ko na ang ospital na pinanggalingan ni Andriette. Pinakuha ko na rin ang mga pangalan ng mga nanganak noong araw na iyon. I talked to my friend, ang sabi niya ay nakuhanan na ng blood samples ang mga 'yon," ani ng aking ama.

Abala sila sa pag-uusap nang dumating ang Alpha kasama ang guro naming si Prof. Acker, pati na si Ruby.

"Tita, is Ri okay?" Nag-aalalang tanong ni Savina.

"Anong sabi ng doktor, Tito?" Kapagkuwang tanong din ni Ruby.

"We don't know, kailangan niyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon ayon sa doktor na tumingin sa kaniya."

"It's not a problem, right? Biological parents kayo ni Ri so it will be easier to get the same blood as hers," Hayden said.

Natahimik sila nang mapayuko ang aking mga magulang.

"We're not Ri's biological parents. We adopted her," pagbabalita ng aking ama na nagdulot ng pagkagulat sa kanilang lahat.

"Baka may kaparehong blood type sa amin si Ri. Willing po kaming maging blood donors," wika ni Bailey at nagtanguan silang lahat.

"Everything will be alright, makakahanap din tayo ng blood donor," paninigurado ni Prof. Acker.

Nagsialisan silang lahat at nagpakuha ng blood samples para tingnan kung may kapareho ba ako.

I wanted to stay awake but my head began to ache so I closed my eyes and tried to rest. I don't know how long it took me to finally awaken. As far I remember, I was hoping that Sage would come to visit me.

"Mom," I called with my weak voice. She immediately went to my side to ask me if I am now alright.

"Are you okay now? Do you need anything?" She worryingly asked.

"How long have I been asleep?" Tanong ko habang sinusubukang bumangon.

"Almost three days, 'nak. You suffered from head injury, you lost blood, too, kaya kinailangan kang salinan ng dugo. Does your head hurt? Do you still remember us? Do you know what happened to you?"

"My head throbs, and I feel dizzy," I answered.

"Do you know what happened to you?" Pag-uulit niya ng tanong.

Checkmated by the Queen (Athlete Series # 4)Where stories live. Discover now