Chapter 10 (Necklace)

540 22 23
                                    

Danielle's POV

Habang hinihintay ang mga pagkaing inorder ni Steven ay iniwan ko muna siya at bumalik sa office para kunin ang dala kong gamit.

Naglalakad ako pabalik ay saktong papalabas siya mula sa private room at kaagad na napatingin sa gawi ko. Nalihis ang atensyon ko sa babaeng staff na napatitig sa mukha niya habang naglalakad at may dalang isang basong tubig. Tila na-starstruck ito sa kaguwapuhang niyang taglay. Tuluy-tuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa mabunggo siya at natapunan ng tubig sa bandang gilid ng tiyan kaya nabasa ang suot niyang suit.

Doon lang natauhan ang staff at biglang nataranta. "Ay, naku! Sorry po, Sir. Sorry po."

"What the fuck?!" naiinis ngunit mahina kong sambit tsaka binilisan ang lakad patungo sa kanila.

Boba! Tanga!

"It's okay," mahinahon niyang saad.

Mabilis na dumukot ng panyo sa bulsa ang staff. "Sir, sorry po talaga. Sorry po." Akmang hahawak na ito sa tiyan niya para sana punasan ay saka ako tuluyang nakalapit at maagap na napigilan ang kamay nito.

"DON'T!" habang pinanlalakihan ito ng mata.

Halatang nagulat at natakot ito sa ginawa ko.

"Just don't." Pinilit kong pakalmahin ang sarili tsaka marahang binitawan ang kamay nito.

Putangina! Hahawakan pa ng tangang 'to si Steven! Sisantihin ko na kaya o patayin na lang?!

"Sorry po, ma'am. Sorry po talaga."

"Sige na. Ako nang bahala kay Sir Wang. Bumalik ka na doon." Baka kasi hindi ko mapigilan ang bibig ko at kung ano pang masabi ko. "Sir Wang, doon na lang po tayo sa office ko." Pasimple ko siyang pinanlakihan ng mata para kaagad na sumunod.

Pagkapasok sa office ay kaagad kong ni-locked ang pinto. Naiinis at mabilis kong hinubad ang kanyang suit at ibinalibag sa sahig. Tsaka marahas kong hinaltak ang kwelyo ng suot niyang puting long sleeve.

"Walang ibang pwedeng humawak sa'yo kundi AKO lang at wala ka ding ibang pwedeng hawakan kundi AKO lang! Walang ibang pwedeng umangkin sa'yo kundi AKO lang, Steven! AKO lang! Naiintindihan mo?!" nanggigigil at maawtoridad kong turan.

Napalunok ito at halatang natakot. "O-Oo. Na-naiintindihan ko."

Napatiim-bagang ako habang nakatitig nang diretso sa mga mata niya. Pero bahagya akong kumalma nang pumulupot ang mga kamay niya sa baywang ko.

"Wag ka nang magalit, Love," pagpapakalma nito. "Nanlilisik ang mga mata mo."

Mariin akong napapikit at naalala ko pa yung nangyari sa studio kanina.

"Ako lang ang may karapatan sa'yo, Steven! Kaya kahit yang mga ngiti mo ay akin lang! Hindi ka pwedeng makipag-ngitian sa iba!"

"Oo, Love. Sa'yong-sa'yo lang ako."

Unti-unti ko nang niluwagan ang pagkakahawak sa kwelyo ng damit niya. Bago ko pa siya masunggaban ng halik ay inunahan niya na ako. Nang ipinagdikit niya nang husto ang aming mga katawan ay doon ko naramdaman ang gising na gising niyang pagkalalaki.

Wala na ba talaga sa katinuan ang lalaking 'to? Natu-turn on pa rin kahit galit na ako?? Kahit na lantaran kong ipinapakita ang masama kong ugali??

Ipinaupo niya ko sa ibabaw ng mesa at doon ay dalawang beses na inangkin.




Sumunod na linggo ay naging abala ako para sa shooting ng pelikula kaya sa gabi o madaling-araw na lang kami nagkikita. Lagi akong pagod kaya pinapupunta ko na lang siya sa bahay ko. Binigyan ko na siya ng access para doon niya na lang ako hintayin.

There's Something About HerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ