Chapter 32 (Apart)

437 19 31
                                    

(Sino ang higit na nasasaktan at nagdurusa, ang iniwan o ang nang-iwan??? Sagot!! 😁✌ Emeeee)

💔💔💔



Danielle's POV

Nang makauwi kami sa penthouse ay agad akong nakipagsiping kay Steven. Hindi ko nga mabilang kung nakailan kami basta hindi ko talaga siya tinigilan hanggang sa tuluyang mapagod at nakatulog. Nanatili akong gising upang pagbigyan ang sariling titigan siya nang matagal sa pinakahuling pagkakataon.

Mag-iingat ka palage at wag pababayaan ang sarili. Paalam na, Love. Paalam na, Steven.

Isang madiin na halik sa noo ang iginawad ko sa kanya bago ako umalis sa kama upang magbihis.

Nang matapos kong ayusin ang sarili ay binalikan ko siya. Ipinatong ko na muna ang dalang sling bag sa sofa at naupo sa gilid ng kama upang hintayin siyang magising. Habang pinagmamasdan ko siya ay may luha na namang pumatak. Nahihirapan kasi akong pigilan ang sariling tabihan siya ulit para yakapin at hagkan.

Tama na, Danielle! Please lang tumigil ka na. Wag na! Utang na loob! Wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo! Hindi ikaw ang tamang babae para sa kanya! Hindi kayo bagay! Yun ang katotohanan at kelangan mong tanggapin!

"Dani," usal nito.

Umiwas ako ng tingin at pinunasan ang mga luhang dumaloy. Kailangan ko nang gawin hangga't kaya ko pa kaya gigisingin ko na siya.

Tumayo ako at kumuha ng robe para sa kanya.

"Steven," tawag ko. "Gumising ka na. Steven!"

"Dani!" sambit nito nang maalimpungatan at napatingin sa'kin. "Love?"

"Mabuti't gising ka na," malamig na tonong sabi ko. "Bumangon ka na diyan at isuot mo 'to," sabay hagis ng hawak kong robe sa kanya.

Kahit bahagyang nagtataka ay ginawa niya pa rin ang mga sinabi ko.

"Saan ka pupunta, Love?"

"Uuwi na ko."

"Samahan na kita," malambing na turan nito habang lumalapit.

Akmang hahawakan niya ko ay humakbang ako paatras kaya bumakas ulit ang pagtataka sa kanyang hitsura.

"Bakit, Love? May problema ba?" kunot-noong tanong nito.

Kaya mo yan, Danielle!

"Ayoko na, Steven. Tapusin na natin 'to."

"Huh? Anong ibig mong sabihin, Love?"

Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata. "Maghiwalay na tayo."

Halatang nawindang ito sa narinig kaya hindi kaagad nakasagot.

"Maghiwalay na tayo," pag-uulit ko kahit para nang pinupunit ang puso ko.

"Wa-wag ka namang magbibiro ng ganyan, Love."

"Seryoso ako, Steven."

"Love, wag ka namang ganyan oh? Nagbibiro ka lang, di ba?"

I raised my brow. "Mukha ba kong nagbibiro???"

Lumapit siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Love, may nagawa ba akong mali? May hindi ka ba nagustuhan? Sabihin mo."

"Yun na nga eh. Wala kang ginawa o ginagawang mali kaya masyado kang boring na kasama. Nakakasawa 'pag ganun, Steven. Nakakasawa ka!"

"Sorry na, Love. Babaguhin ko, Love. Ano bang gusto mo? Sabihin mo lang---"

"Wala na akong ibang gusto kundi ang makipaghiwalay sa'yo. Kaya tama na. Tapusin na natin 'to. Gusto ko namang tumikim ng ibang putahe," saka tinanggal ang mga kamay niyang nakahawak.

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon