Chapter 12 (Wilder)

668 18 14
                                    

Danielle's POV

Magkahawak-kamay kami ni Steven na pumasok sa nightclub habang ang dalawang kasama namin ay nakasunod lang.

Bago pa kami makapwesto ay may nakita akong pamilyar na taong nakatalikod. May mga kasama itong ibang lahi.

"REKDI!!!" malakas kong tawag kaya agad itong napalingon at nakita kami.

Natuwa ito at nagpaalam muna sa mga kasama tsaka lumapit.

"What a coincidence!" natutuwang saad nito tsaka bumaba ang tingin sa mga kamay namin ni Steven. "Sir," magalang na bati nito.

Bilang tugon ay nakangiti niya itong tinanguan.

Nang muling bumaling sa'kin si direk ay mukhang nakaunawa na ito sa sitwasyon. "Don't worry, Dan. Mananatiling tikom ang bibig ko," paniniguro nito.

"Thank you."

Si Lance at Natalie naman ang binalingan nito.

"Love, anong ibig sabihin nung sinabi ng direktor niyo kanina?" bulong ni Steven nang makaupo na kami.

Natawa ako. "Kahapon kasi inaya niya akong mag-dinner ng kaming dalawa lang. Syempre tinanggihan ko at sinabing may boyfriend na ko," tsaka pinisil-pisil ang chin niya. "Nakiusap din ako sa kanya na wag ipagsasabi yung nalaman niya dahil gusto kong panatilihing pribado ang lovelife ko. Kaya ayun makakaasa daw ako na magiging tikom ang bibig niya."

Napakamot ito sa ulo. "Pati yung direktor niyo may gusto din sa'yo."

"So? Eh ano naman ngayon? Wala akong pake dahil ikaw lang ang gusto ko, Steven." Humawak ako sa pisngi niya at sumunggab ng halik. Kaagad naman siyang tumugon.

Hindi nagtagal ay sa amin na sumama si direk para makipag-inuman. Habang may pinag-uusapan ang tatlo ay may sariling mundo naman kaming dalawa. Hindi pa naman ako nahihilo pero medyo ramdam ko na ang epekto ng alak sa katawan ko.

"Hindi ka pa ba nahihilo, Love?" tanong niya habang nakapulupot ang isang kamay sa baywang ko.

"Hindi pa, Love. Malayo pa ko dun."

Napatitig ako sa mukha niya at bigla kong naalala ang hitsura niya kanina pagkalabas ng men's room. Parang wala siya sarili kaya aaminin ko, nag-alala ako.

"Bakit, Love?"

"Alam mo bang hindi nakakasawang titigan ang mukha mo, Steven?"

"Talaga, Love?" inosente niyang tanong.

Ang cute ng kanyang reaksyon kaya natawa ako at bigla na lang kumandong nang patagilid. Awtomatikong inilingkis ko ang mga kamay sa leeg niya. Nagulat man sa ginawa ko ay nagawa na rin niyang yumakap sa aking baywang.

Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid. Bahala sila basta gagawin ko kung anong gusto ko. Tss!

"Oo, Love. Maniwala ka sa'kin," tsaka dinampian siya ng halik sa labi.

"Love, kapag hindi mo na kaya sabihin mo lang huh?" bulong niya sabay patong ng chin sa balikat ko.

"Don't worry, Love. Kapag nalasing ako eh ikaw lang naman ang gagapangin ko," pilya kong sagot na natatawa.

Maya-maya ay naramdaman ko ang pagkintal niya ng mga halik sa leeg ko. Dahan-dahan iyun hanggang sa makarating sa likod ng tenga. Napatili ako at bahagyang inilayo ang ulo.

"Steven, nakikiliti ako," malambing kong suway.

Natawa siya sa reaksyon ko.

"Nanggigigil ako sa'yo, Love. Sige ka. Lalaplapin ko yang lips mo hanggang sa dumugo."

There's Something About HerWhere stories live. Discover now