Chapter 13 (Noise)

508 19 22
                                    

Danielle's POV

"Don't waste my time, Lance. Diretsuhin mo na agad ako sa gusto mong sabihin," umpisa ko agad pagkaupo sa tapat niya.

Nandito kami ngayon sa isa sa mga private room dito sa restaurant ko. Yes. Nakipagkita ako sa kanya at hindi ko sinabi kay Steven. Ang kulit kasi ng gagong 'to. Panay ang message kanina at kinailangan ko pang itago iyun. Hindi daw titigil hangga't hindi ako nakakausap.

"Hinihintay ako ni Steven sa penthouse niya at ayoko siyang paghintayin nang matagal," dagdag ko pa.

"Alam ba niyang makikipagkita ka sa'kin?"

"Oo," pagsisinungaling ko. Magaling akong magsinungaling sa kahit sino pang kaharap ko. "Kaya nga nandito ako ngayon dahil pumayag siyang makipagkita ako sa'yo. So, bilisan mo na."

Napabuntong-hininga muna ito. "Gaano mo kakilala si Clyde?"

Naningkit ang mga mata ko. "Why do you ask?"

"I don't think na kilala mo na siya nang husto," makahulugang sagot nito.

I just shrugged my shoulders in response.

"Dati ko siyang bestfriend nung high school Dan kaya kilala ko ang pagkatao niya. Nung high school ko din nalaman ang tinatago niyang baho at dahil dun kaya nasira ang pagkakaibigan namin."

"Ang dami mo pang satsat, Lance. Diretsuhin mo na kaya ako."

"He's gay."

Napataas ang isa kong kilay.

"Bago naging kayo, Di ba wala? Wala dahil bakla siya."

Mas pinili kong wag munang magsalita at makinig lang.

"Lalaki ang gusto niya Dan at hindi babae. Nagkagusto siya sa'kin nung high school kami---"

Hindi ko napigilan ang humalakhak kaya natigil siya sa pagsasalita.

"Yun lang yun, Lance?"

"Mukhang hindi ka naniniwala," sersyosong komento nito.

Natatawa pa rin akong nagkibit-balikat.

"Totoo ang sinasabi ko. Lahat ng kaibigan niya alam na bakla siya. Kahit si Dianne... Ba't hindi mo siya tanungin para makumpirma mong totoo ang sinasabi ko."

Nagawa ko nang pakalmahin ang sarili nang marinig ang pangalan ni ate. "Eh ano naman ngayon kung bakla siya?"

"Ano?" hindi makapaniwalang sagot nito. "Sa tingin ko ginagamit ka lang niya para pagtakpan ang kabaklaan niya, Dan."

Nainis ako bigla sa sinabi niya. Hinuhusgahan niya si Steven at hindi ko iyun gusto.

"Tell me, Lance. May galit ka ba sa mga bakla?"

Umiba ang hitsura nito at hindi agad nakasagot.

"Way back nung high school na mag-bestfriend pa kayo...Did he ever take advantage of you?"

Hindi na naman ito nakasagot. Base sa reaksyon nito ay mukhang 'hindi' ang sagot sa tanong ko.

"May nabalitaan o may narinig ka ba na nagka-boyfriend siya? O kahit tsismis man lang na nagka-boyfriend siya. Meron ba?"

"Pwede niya namang itago yun."

Natawa na naman ako. "Oh come on, Lance! Alam nating pareho na hindi siya basta-bastang tao. Kaya kung nagka-boyfriend man siya at kahit gaano pa siya kagaling magtago eh may tsismis pa ring lalabas tungkol doon. Alam mo naman ang galawan sa showbiz, di ba? Kelan lang ako nakarinig ng tsismis na bakla si Steven...At galing pa daw sa PA mo ang tsismis na yun," makahulugan kong sabi sa huli habang mapanuri siyang tinitingnan.

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon