Chapter 37 (Family)

599 21 21
                                    

Danielle's POV

Habang nasa biyahe patungo sa bahay ng mga magulang ko ay panay ang pag-update namin ni Steven sa isa't isa. Tuwang-tuwa siya nang ipinaalam kong pupunta ako sa birthday ni Mama pero nanghihinayang din dahil nagkataong sumabay ang lakad nila at hindi niya ko masasamahan. Kahit ako gusto ko rin sanang kasama siya pero mukhang hindi ayon ang pagkakataon sa'min ngayon.

Papasok pa lang sa gate ay grabe na ang kabang nararamdaman ko kaya kung makailang beses akong napabuntong-hininga tsaka napapikit nang mariin.

How I wish you were here, Love. I need you. Ikaw lang ang nakakapagpakalma sa'kin.

"Relax ka lang, bunso," mahinahong saad ni kuya DJ sabay hawak sa kamay ko.

Pilit ko itong nginitian tsaka napatingin sa paligid. Kagaya sa labas ng gate ay marami ding nakaparadang sasakyan sa loob. Ang dami ko na ring natatanaw na mga bisita pero mas natuon ang atensyon ko sa mansyon kung saan ako lumaki at nagkabait. Halos walang pinagbago iyun kaya unti-unting nanariwa ang mga alaala sa aking isipin pero kaagad akong umiling upang pigilan. Hindi pwede. Ayoko nang alalahanin yung mga bagay na pilit kong kinakalimutan.

"Dito na lang muna tayo, bunso," untag ni kuya DJ pagkahinto ng sasakyan. Mabilis itong lumabas upang pagbuksan ako ng pinto. "Ako nang magdadala ng bag mo, bunso," sabay kuha sa sling bag ko at isinabit sa balikat.

Huminga muna akong malalim bago lumabas.

"Ready ka na?"

Tumango ako tsaka umangkla sa braso nito.

Habang naglalakad ay napapangiti ako dahil sa mga bulaklak at halaman sa paligid na mas lalong pinaganda. Isa rin iyun sa mga namimiss ko dito sa bahay. Lagi ko kasing tinatanaw ang mga iyun mula sa balcony ng kwarto ko sa 'twing gigising ako sa umaga.

"Pinagtitinginan ka ng mga bisita, bunso," bulong ni kuya. "Grabe! Nakuha mo kaagad ang atensyon nila ah."

"Aba! Syempre naman, kuya! Bihira lang silang makakita ng mala diyosa sa gandang tulad ko noh?"

Bahagya itong natawa. "Well, totoo naman."

"Uy! Basta yung usapan natin kuya huh? Ihahatid mo ko bago dumilim."

"Oo naman, bunso. Nangako ako sa'yo eh."

"BUNSO!"

"DAN!"

Halos sabay na sigaw ng dalawa ko pang kapatid nang lumabas sa bahay at nakita ako. Patakbong lumapit ang mga ito at isa-isa akong niyakap.

"Buti naman pumunta ka," natutuwang saad ni ate pagkabitaw.

"Ang kulit ni kuya DJ eh."

"Si Steven? Ba't di mo isinama, bunso?"

"May lakad ang buong pamilya nila eh."

"Ah ganun ba? Di bale next time na lang."

"Sinong Steven?" maang na tanong ni kuya DJ. "Bagong boyfriend mo, bunso?"

Napatingin ako kay ate Dianne tsaka kay kuya DM. "Di niyo pa pala nasasabi sa kanya?"

"Aba. Di ba sabi mo eh ikaw nang bahalang magsabi. Marunong akong tumupad sa usapan noh?" paliwanag ni kuya DM.

Magsasalita pa sana si ate ngunit nakuha ang aming atensyon ng isang tinig na hindi ko makakalimutan.

"Dan-Dan?"

"Nay Maria!" sigaw ko at patakbo itong nilapitan. "Namiss ko po kayo, Nay," tsaka mahigpit na niyakap.

"Susmaryosep! 'Tong batang to! Bakit ngayon mo lang naisipang bumisita?"

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon