Chapter 48 (Mess)

468 22 54
                                    

Danielle's POV

Habang naglalakad patungong office ni Steven ay matamis ang ngiti sa mga labi ko. Sosorpresahin ko kasi siya. Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon niya kapag nakita ako ay para na akong maiihi sa kilig.

Siguradong hindi na naman siya makakapagtrabaho neto.

Napatayo si Myka nang makita ako. Pansin ko ang alanganing pagngiti nito sa'kin ngunit binalewala ko lang dahil excited talaga akong makita ang lalaking pinakamamahal ko.

"Dan----"

"Ssssshhhhh," maagap kong pigil sa sasabihin nito.

"Dan kasi---"

"Wag kang maingay, Myks," mahina kong sabi dito na bahagyang pinanlalakihan ng mata.

Alanganin na naman itong tumango.

Bago ako tuluyang makalapit sa pinto at buksan iyun ay nginitian ko muna ito.































































































































































Napawi ang matamis na ngiti sa mukha ko at nagdilim ang paningin nang maabutan ang eksenang gumimbal sa pagkatao ko. Sobrang sakit sa mata at sa puso. Parang gusto kong manakit at pumatay ng tao. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng inis at galit

Magkadikit ang mga labi ni Steven at Vanessa habang nakahawak sa isa't isa.

"MGA HAYUP!!!!" sigaw ko na nanginginig ang mga kamay.

Patakbo akong lumapit at marahas na hinila sa buhok si Vanessa.

"Putangina mong hayup ka!!! AHAS!! Wala kang kasing landi!!! Isa kang puta!!! Papatayin kita!!!" nanggigigil kong sigaw habang sinasabunutan ang haliparot.

"Ouch!!! Ouch!!! Aray!" reklamo nito na nakahawak sa mga kamay ko.

Sa lakas ng pagkakasabunot ko ay parang matatanggal na ang mga buhok nito.

"Walang hiya ka!!!! Eto ang nababagay sa'yong malandi ka!!!" tsaka inginudngod ang pagmumukha nito sa malapit na table.

"Clyde, help me! Please?"

Nanlilisik ang mga matang bumaling ako sa kanya. "Subukan mo!!"

Napalunok siya at hindi makagalaw sa kinatatayuan.

"I'm gonna sue you, bitch!" matapang na turan ng malandi.

Bahagya kong iniangat ang mukha nito. "Ah talaga ba??!! Eh di kasuhan mo!!! Tingnan natin kung magagawa mo pa yan kapag bangkay ka na!!!"

Ipinagpatuloy ko ang pagsabunot at pagngudngod dito.

"Landiin mo na ang kahit na sinong lalake wag lang ang STEVEN KO!!! PAGMAMAY-ARI KO SIYA!!! ASAWA KO SIYA!!! AKIN SIYA!!!! AKIN LANG!!!!"

"Dan, tama na," awat ni Myka. Buong lakas ako nitong pinigilan at inilayo kay Vanessa tsaka pumagitna.

"Love, please awat na," pakiusap niya at mahigpit akong niyakap sa baywang.

"Oo! Malandi ako! But I'm not like your father! He's a fucking home wrecker!" sigaw ng malantod.

Saglit akong natigilan sa narinig. "Anong sabi mo???"

There's Something About HerWhere stories live. Discover now