Chapter 43 (Presscon)

415 21 35
                                    

Danielle's POV

Sa unang bahagi ng presscon ay naging maayos ang daloy ng tanungan at pagsagot dahil puro patungkol lang sa pelikula. Nagagawa pa nga naming magbiruan at magtawanan.

"Miss Danielle, itong susunod kong tanong eh hindi na tungkol sa pelikula," ayon sa isang lalaking reporter.

Bahagya akong nakaramdam ng kaba.

Juskoo! Heto na yata.

"Naku! Mukang alam ko na to ah. Pwede po bang next question na kaagad?" biro ko at natawa sila.

"For sure lahat kaming nandito eh kanina pa nangangating itanong 'to. At pati ang mga tao lalo na yung mga fans mo, fans niyo ni Lance eh gustong-gusto na ring malaman ang sagot. Miss Danielle, pwede mo bang ipaliwanag yung tungkol sa kumakalat na video?"

"No comment. Char! Hahaha!"

Nahawa sila sa tawa ko.

Bahagya akong tumikhim at nagseryoso. "Honestly po gusto ko na ring tuldukan yung mga speculations tungkol diyan at ako nga rin po eh kating-kati na kahihintay na tanungin niyo ang tungkol sa video. Kulang na nga lang i-suggest ko o di kaya eh ako na mismo ang magtanong sa sarili ko. Chaaaar!"

Natawa na naman sila sa biro ko.

"But seriously po, it was just a misunderstanding. Lahat naman po yata tayo eh nakakaranas ng ganun---"

"Ayon kasi sa source namin eh sinuntok daw ni Sir Wang si Lance, totoo ba yun?" singit ng isa pang reporter na lalaki. Nagkitinginan sila na parang sumasang-ayon dun sa tanong.

"Well---"

"Yes, it's true," biglang sabad ni Lance kaya napabaling ako dito.

Rinig ko ang bulungan ng mga taong naroroon.

Isang ngiti ang ibinigay nito sa'kin bago nagpatuloy.

"But it was my fault. Kahit na ako din siguro sa kalagayan ni Sir Wang eh masusuntok ko din yung lalaking bigla na lang manghahalik sa girlfriend ko."

Lalong lumakas ang mga bulungan at halata ang gulat sa kanilang mukha.

"Mabait pa nga si Sir Wang dahil isang suntok lang ang ibinigay niya sa'kin. He even said sorry pagkatapos niya kong masuntok. Siguro kung ako yun eh baka nabugbog ko pa yung lalaki."

Anong ginagawa mo, Lance? Hindi naman ganito ang usapan natin.

"I take full responsibility dun sa nangyari dahil kasalanan ko naman talaga. I was so stupid at hindi nakapag-isip ng tama. Nagpadala ako sa nararamdaman ko. Yes. I still love Dan. Alam naman yun ng lahat at hinding-hindi ko tinatago. But right now, I'm happy for her and Sir Wang. Masaya akong nakikita siyang masaya. Basta kahit na anuman ang mangyari she will always have special place in my heart."

Saglit itong tumigil para sulyapan ako.

"So, siguro naman nasagot na yung tanong. And please let's not judge base lang dun sa nakita natin sa video."

"Miss Danielle and Lance, ito kasi gusto ring malaman ng buong sambayan at lalo na ng fans ninyo. Yung tungkol sa breakup niyo before. Kasi never kayong nagsalita tungkol sa rason ng paghihiwalay niyo kaya nung kumalat yung video eh naging matunog na kaya daw kayo naghiwalay ay dahil may 3rd party at si Sir Wang daw ang dahilan? May katotohanan ba yun?"

"It's not true," diretso kong sagot. "Matagal na kaming hiwalay ni Lance bago pa kami nagkakilala ni Steven."

"Siguro it's about time na sagutin ko na yung tungkol sa breakup namin ni Dan para once for all eh matapos na yung mga speculations. Tsaka ayoko ding lumabas na parang si Dan yung nakagawa ng mali. Well, in fact ako naman talaga yung nakagawa ng mali before. Yes. There was a 3rd party involved pero hindi yun si Sir Wang. We broke up because I cheated on her. That's the fact."

There's Something About HerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin