Chapter 29 (Babe)

384 15 20
                                    

Danielle's POV

Sa pagmulat ng mga mata ko ay wala na si Steven sa tabi ko kaya malungkot akong napangiti.

Dani, kelangan mo nang masanay na wala siya sa tabi mo. Sanay ka naman dati na mag-isa.

Nang mapatingin ako sa pinto ay nakasara na iyun at wala na rin ang mga damit naming nagkalat sa sahig. Pero yung amoy niya ay naiwan sa katawan ko at sa higaan.

Para akong temang na iniisip na wala siya gayung sigurado naman akong nasa kusina siya at nagluluto. Unti-unti ay kelangan ko na kasing gisingin ang sarili ko sa katotohanan. Pero ngayon ay sasamantalahin ko munang kapiling siya.

Bumangon ako at nagsuot ng robe. Mabilis ang mga hakbang na tinungo ko ang kusina ngunit nang malapit na ay nagdahan-dahan ako upang hindi niya marinig. Gusto ko kasi siyang pagmasdan habang abala sa ginagawa.

Napapangiti ako at nalulungkot din. Pinipigil ko ang maluha dahil baka bigla na lang siyang lumingon sa kinatatayuan ko. Naalala ko ang sinabi kanina ni Tita Pinky.

Tita, hindi ko kaya. Sa 'twing sinusubukan kong isipin ay si Papa agad ang unang pumapasok sa utak ko. Si Papa na dumurog ng puso ko at sumira sa magandang pananaw ko sa pamilya at pag-ibig. Dagdag pa si Tito Bobby...

"Love, kanina ka pa ba diyan?" untag niya nang mapalingon.

Pilit akong ngumiti. "Hindi," tsaka tuluyan nang lumapit at niyakap siya mula sa likod.

"Malapit na 'to, Love. Nagugutom ka na ba?"

"Oo eh," pag-iinarte ko. "Kumusta na pala ang Papa Rico mo?"

"Ayun. Medyo okay naman na siya. Ilang buwan na din pala niyang alam na nakabuntis si Tito Leo. Hinintay lang niya na ito mismo ang umamin. Ayaw ngang makipaghiwalay ni Tito Leo dahil si Papa pa rin daw ang mahal niya. Susustentuhan na lang daw yung bata pero hindi pumayag si Papa. Ayaw niya kasing lumaki yung bata na hindi buo ang pamilya."

"Wow! Ibang klase ang Papa mo ah. Mas inisip pa niya yung ibang tao kesa sa sarili niya. Kahit na siya ang magsa-suffer at masasaktan. Tsk. Tsk. Tsk. Nakakainis yung Tito Leo mo huh? Kung talagang mahal niya ang Papa mo eh hindi niya dapat yun ginawa."

"Ang sabi daw ni Tito Leo ay natukso lang siya."

"Kahit na. Kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka dapat nagpapatangay sa mga tukso-tukso na yan!"

"Tama ka, Love. Hindi dapat sinasaktan yung taong mahal natin."

Arayy! Natigilan ako saglit sa sinabi nito. Tinamaan yata ako.

"Pero sigurado naman akong makakahanap pa si Papa ng taong magmamahal at tatanggap sa kanya ng buo at hinding-hindi siya sasaktan dahil napakabuti niyang tao. Deserved niya ang maging masaya," dagdag pa nito.

"Oo. Sigurado yun," nasagot ko na lang.

Ilang sandali kaming natahimik at parang nakikiramdam lang sa isa't isa. Maya-maya ay hindi ko napigilan ang sariling halikan at amuyin ang batok nito.

"Love, ang bango mo talaga."

"Hindi pa nga ako naliligo Love eh."

Napangiti ako. "Yung amoy mo ngang 'to ang gustong-gusto ko eh. Yung amoy mo sa 'twing matatapos tayong mag-sex. Naghahalo ang pawis, perfume at kung anu-ano pa."

Humarap siya at humawak sa ulo ko. "Mas gusto ko ang amoy mo, Love," makahulugang niyang sabi tsaka walang-pasabing sinunggaban ang leeg ko.

"Love," daing ko. "Baka makalimutan mo yung niluluto mo."

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon