Kabanata 16

3.4K 88 30
                                    

Fever

Naalimpungatan ako ng maramdamang may bumubuhat sa akin, I opened my eyes and Freyrs face welcomed my sight.

He's carrying me in a bridal style, sa takot na baka mahulog ay napakapit ako sa kanyang leeg, I encircled my arms around his neck, and rest my head into his shoulder.

Napansin naman niya ang paggalaw ko, naramdaman kong mas hinigpitan niya ang pagkaka hawak sa akin.

"Malapit na tayo," he whispered with his raspy voice.

Medyo gabi na kaya wala nang tao sa paligid, hindi ko na din nakita ang tiyo niya na nakasunod sa amin.

"You can put me down now," mahinang saad ko sa kanya.

Medyo nahihiya na ako dahil sinundo na niya nga ako, nagpabuhat pa ako sa kanya.

Ngunit may parte sa akin na humihiling na sana ay huwag muna niya akong ibaba, I love the warmth of his skin against mine, and I love hearing his breath. It makes me feel at ease.

"No, you have a fever," madiing saad niya.

Parang nagdiwang ang puso ko sa sinabi niya.

"But..." Wala sa sariling saad ko.


"No more buts, just listen and be a good girl." Huling saad niya.


Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg. My face feels hot, probably because of my fever, and my heart is beating so fast.

Probably because I drank coffee.

Isang maliit na bahay ang sumalubong sa amin, simple lang ang bahay maliit pero malinis.

Hindi ako agad ibinaba ni Freyr, dumeretso siya sa CR nila, inaasahan kong ibababa niya ako sa sahig ngunit ini-upo niya ako sa Lababo doon. Malawak ang CR nila at malawak din ang lababong may malaking salamin sa harap.

I gripped on to the edge of the sink, I watch Freyr as he remove my muddy shoes.

Dahan dahan niya iyong inalis at inilagay sa gilid sa sahig.

Nag angat ng tingin si Freyr sa akin, sinuri niya ang itsura ko, I looked at him he's in his usual attire.

Baggy clothes and his Iconic eye glasses. I thought he would stop wearing it, but I guess.. he's more comfortable of using his glasses than using contacts.

Although I can't clearly see his eyes because his hair is covering it, I can feel his intense gaze.

Pakiramdam ko ay hinahalukay ang buong pagkatao ko ng mga titig niya.


"Y-You should take a bath," saad niya sabay iwas ng tinging sa akin.

He's stuttering again.

"Alright," saad ko.

Akala ko ay aalis na siya pero nanatili siyang nakatayo sa harap ko, napakunot ang noo ko sa kanya.

"U-Uh... Do you want to join?" Saad ko.

Nagulat siya at napaatras sa sinabi ko, hindi ko mapigilang mapangisi.



"A-Ano bang sinasabi mo," natatarantang saad niya.

Natawa ako dahil halata sa boses niya ang excitement.

Hmm... The baby is getting naughty.

"Ano? Gusto mo talaga akong samahan maligo?" Mapang asar na saad ko, habang nakataas ang kilay dahil hindi pa din siya umaalis sa CR.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon