Kabanata 29

2.7K 80 43
                                    

Love

Ang init na dala ng alak ay dumaloy sa aking lalamunan. Sa tagal ng huli kong inom ay parang bago na naman sa aking pakiramdam ang mga ito.

Ang ingay ng mga tao sa bar ang nananaig sa paligid, tawanan at hiyawan. They look like they've been finally free after being caged. Sa paligid ay may ilang naglalabas ng init ng katawan, hindi na alintana ang mga tao na nakapiligid sa kanila at nakikita ang kanilang ginagawa.

It smells rum and cigarette. This is how my life works back then.. Yung mga panahong hindi ko pa kilala si Freyr.

I smiled at nagsimulang makisayaw kila Vern, I dance seductively not minding if I look like a slut. Sa ginawa ay naghiyawan ang aking mga kasama.

"Go girl! Ang hot mo!" Vern cheered.

Lahat kami ay nagsasayaw maliban kay Isabel na naka upo sa bar counter at tahimik na umiinom ng alak habang nakatanaw lang sa amin.

May ilang lumapit sa amin para makisayaw, I felt someone dance behind me. Dama ko ang init ng kanyang katawan nang humarap ako dito ay agad na sumalubong sa akin ang amoy niya, amoy alak siya at halatang lasing na.

He smiled at me nang humarap ako, he's hair is in army cut. Malaki ang braso niya at bakat na bakat ang biceps sa t-shirt na suot.

He looks like he has foreign blood, he's handsome and tall.

I smiled back at nagpatuloy sa pagsayaw, sinamantala niya iyon para hawakan ang aking bewang.

"What's your name?" Tanong niya sa akin, habang inilalapit ang kanyang mukha.

I chuckled a bit dahil tumama ang ilong niya sa aking pisngi at medyo nakiliti ako.

"I'm Kayla!" I said before giving a sexy body roll, napamura siya sa aking ginawa.

"Damn! Your hot!" Aniya at sinabayan ang aking pag giling.

Dala ng kalasingan ay hindi ko na alintana ang mga kamay niyang kung saan saan dumadapo, kapwa kami nakangisi ngunit napawi iyon nang biglang may humila sa akin.

Sa sobrang lakas ng paghila ay halos masubsob ako sa dibdib ng humila.

Nang mag angat ng tingin ay ang madilim na mata ni Freyr ang sumalubong sa akin. Magkasalubong ang kanyang makapal na kilay at kahit pa madilim at may salaming nakaharang sa kanyang mga mata ay kitang kita ko ang galit dito.

"What are you doing!? Don't touch me?!" Sigaw ko ngunit nilamon lamang iyon mg ingay sa bar.

Nakita ko ang paglingon nila Vern sa aking gawi at nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ang lalaking humihila sa akin.

"S-Sir," Si Daisy na hindi makapaniwalang nakatingin kay Freyr.

Isang masamang tingin ang ipinukol niya lalaking kasayaw ko kanina bago ako hinila palabas. Pilit akong nagpupumiglas sa kanyang hawak ngunit mahigpit iyon at ayaw akong pakawalan.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Patuloy na sigaw ko habang kinakaladkad niya ako.

"K-Kayla!" Sigaw pa ni Vern na napatigil na din sa pagsayaw, ngunit hindi ko na sila nalingon dahil sa paghila sa akin ni Freyr.

"I'm having fun but you're ruining it! Ganyan ka ba talaga?! Lagi mo na lang sisirain ang kasiyahan ko!?" I shouted at him.

"Binabastos ka niya!" He said frustratingly while his voice is trembling from frustrations.

Pagak akong napatawa, "He's not! We're having fun there but you ruined it!" Saad ko at dinuro siya.

"He's touching you all over your body! Lasing ka! He might take advantage of you! Who knows he might drug you!" Napa atras ako, ngayon ko lang nakita ang ganito kalalang iritasyon sa kanyang mukha.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara