Kabanata 1

7.8K 128 35
                                    

Stalk

"Kayy, nandyan na naman iyong stalker mo," nguso ni Geneva sa lalaking nakasunod sa amin.

Umismid na lang ako dahil tinatago pa niya ang mukha niya sa makapal na librong hawak niya eh kita ko naman siya.

"Hayaan mo siya tsk."

Second year palang kami ay napapansin ko na kung nasaan ako ay nandoon din siya, noong una ay hindi ko pinapansin dahil akala ko coincidence lang.

Pero nang mag third at hanggang ngayong fourth year ay mas napapadalas ang pag sunod niya sa akin. Hindi naman kami magkatulad ng course dahil business ako at engineering siya!

Okay lang sana hanggang sa wala siyang ginagawang masama sa akin, pero lately mas nagiging creepy siya.

Idagdag pa sa pagka creepy niya ang malaki niyang glasses at ang buhok niya na halos matakpan na ang mata niya, iniisip ko nga kung nakakakita pa siya sa lagay na iyan.

Naupo kami sa Library at napansin kong naupo din siya, hindi nalalayo sa amin, tanaw ko pa ang pasimpleng sulyap niya sa akin.

"Nasobrahan ata ang charisma mo at pati ang mga nerd na weirdo ay na a attract sa iyo," asar sa akin ni Geneva.

Umirap lang ako sa kanya,

"Ang creepy na nga eh." sambit ko at muling sumulyap sa lalaking kanina pa nakasunod sa akin.

Nagtama ang paningin namin at agad siyang umiwas, narinig ko ang pagtawa ni Geneva napailing nalang ako.

"Uy may spark." pang aasar niya sa akin.

Umiling nalang ako at nagsimula ng magbasa.

Actually sikat 'daw' iyang si Freyr, pangalan pa lang niya ang weird na, sa mga engineering at architecture students dahil sa isa siya sa Dean's lister.

Curious ako sa kanya pero naiilang akong lumapit at kausapin siya, at hindi ko naman ugaling mag first move!

"Alam mo bagay kayo." tinignan ko ng masama si Geneva.

"Manahimik ka nag aaral ako." sagot ko.

Kahit naman panay ang gala at party ko ay hindi ko pa din nakakalimutan na mag aral. May isang beses pa nga na nag paparty kami ng mga block mates ko ay nakita ko si Freyr sa bar, mukha siyang out of place sa lugar na iyon, mabuti nalang at umalis din kami doon agad.

"Alam mo bakit hindi mo i-try na kausapin yan, malay mo kayo pala talaga." pang dedemonyo sa akin ni Geneva.

Nagkaroon naman ako ng idea, para matapos narin ang curiosity ko bakit hindi ko kaya siya kausapin?

"Tingin mo?" Tanong ko kay Geneva.

Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko siyang kausapin, saka curious lang naman ako kung bakit palagi siyang nakasunod.

"Oo malay mo, mag work out?" Ngising saad niya.

Napangiti ako sa pumasok sa aking isipan.

Napagdesisyunan kong lumapit sa kanya, tumayo ako at akmang lalakad na ng pigilan ako ni Geneva.

"Wag mong sabihing gagawin mo?" Gulat na tanong niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya ng matamis bago sumagot,

"Oo, tatry ko lang naman." Saad ko

It's nothing serious naman, magtatanong lang ako anong masama doon?

"Stop with your game Kayla," napangiti ako sa naisip.

Right it's my game, wala silang pake kung ano ang mangyayari.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Where stories live. Discover now