Kabanata 27

2.8K 71 72
                                    

Hurt 

"Kayla.." salubong sa akin ng nakangiting si Mommy.

Dahil gabi na, she's wearing her long night gown. Mukhang patulog na siya ngunit sinabihan nila manang na dumating ako kaya agad na bumaba.

Tipid ko lamang siyang ginantihan ng ngiti, nagtagal ang kanyang naging titig sa akin bago ako niyakap.

"You looked tired? How's your work?" She asked while still hugging me.

Pumikit ako para damhin ang yakap ng aking ina, her warm hug is giving me comfort.

"It's fine po... Dumaan lang po ako para kausapin si Daddy," saad ko habang bumibitaw na sa yakap ni Mommy.

"Ganun ba... Nandoon siya sa opisina niya.. I'll prepare tea puntahan mo na," she smile at me warmly, Tipid ko siyang nginitian at tumango.

Dali dali kong sinunod ang sinabi ni Mommy, habang paakyat ay hindi ko mapigilang mapatingin sa mga lawarang nakapaskil pa akyat ng bahay namin.

Ayos na ayos iyon at lahat ay naka picture frame, kung titignan ay mukha kaming masayang pamilya.

Well... We were once a happy family.. In the eyes of the people..

Hindi na ako kumatok, dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng opisina ni Daddy.

Nakaupo siya sa swivel chair niya nakakunot ang kanyang noo habang may binabasa.

"Is it hard to knock?" Walang emosyong saad nito.

His face reminds me of my older brother.. para silang pinag biyak na bunga... It's like he's the older version of my brother.

But my brother is way different from him... Malayong malayo sila sa isat-isa dahil nasisiguro kong hindi gagawin ni kuya ang mga ginawa ni Daddy kay Mommy.

"I wanna ask you something..." Panimula ko.

Bumuntong hininga siya at dahan dahang nag angat ng tingin habang inaalis ang kanyang salamin.

"What? Nakapag desisyon ka na ba na lilipat ka na sa kompanya natin?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

Hindi ko siya sinagot, tinignan ko lamang siya. Arrogance was plastered on his face.

"Hindi ka din pala tatagal, akala ko ba paninindigan mo ang hindi mo pagsunod sa akin-" natigil siya nang bigla kong ihagis ang mga larawan sa kanyang harapan.

Dahan dahan niya iyong inangat at ganon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata.

"Ikaw ang dahilan 'di ba?" Nanginginig ang aking boses at tila ba ayaw na nitong lumabas.

Namumula ang kanyang mukha sa galit nang mag angat ang kanyang tingin mula sa mga larawan.

"Saan mo nakuha 'to?" Imbis na sagutin ang tanong ay sinagot niya ako ng isa pang tanong.

"I asked first," pumiyok na saad ko, hindi ko ma napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

"Nasa Baguio dapat si kuya... Pero sa sa La Union nakita yung bangkay niya," hirap na saad ko, pilit na inaalala ang mga bagay na gusto ko nang ibaon sa limot dahil sa sakit.

"Noong araw din na napalipat si Kuya, ikaw ang huli niyang kasama..."

"Sabihin mo Daddy... Mas mahalaga pa ba ang buhay ng kalaguyo mo kaysa sa anak mo?" Namumuhing saad ko.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamo ni Daddy. Ang mga ugat sa kanyang leeg ay nagpapakita na, na tila ba nagpipigil siya.

Kinuha ko mula sa aking bulsa ang isang recorder. Ang recorder na naglalaman ng pag uusap ni daddy at ng Captain nila kuya.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon