kabanata 4

4.2K 107 32
                                    

Kiss


Humikab ako habang naglalakad papasok ng school, gaya ng madalas ay kaonti pa lang ang mga estudyante dahil sobrang aga pa.


It's six in the morning at ang simula ng klase ay alas nuebe, kaya naman wala pa talagang estudyante. Kadalasan ang mga maaga ay yung mga med, law or Engineering students.



Well what do you expect from those? Masisipag mag aral ang mga iyon. Hindi ko nga alam kung paano nila nakakaya ang mga degree na iyon, siguro ay talaga masipag at gifted sila.


I envy how they handle studying those degree. 



Ako kasi hindi naman ako katalinuhan, nagsisipag lang talaga akong mag aral.



Well hindi mo naman talaga kailangang maging sobrang matalino, ang mahalaga masipag at may determinasyon. Iyon ang laging pinapaalala sa akin ng kuya ko.



My brother was an ace, matalino siya at sporty kaya naman talagang ipinagmamalaki siya ni Papa. We are complete opposite, but never niyang pinaramdam sa akin na wala akong kwenta.



Kaya noong na realize ko na dapat mas galingan ko pa ay ginalingan ko.


Natatamad akong nagpatuloy ng lakad, I was about to open my Lockers door ng biglang may humila sa braso ko at malakas na itinulak sa locker.


Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang idinikit ang labi niya sa akin. His lips move like it's searching for something in my lips.


Pilit ko itong itinutulak at nagtagumpay naman ako.



Damn him!


"Don't you miss me baby?" Malanding saad nito at pinasadahan pa ng palad ang pisnge ko.


Sinamaan ko siya ng tingin habang pinupunasan ang aking labi. What the fuck?


"Why did you kiss me? You asshole!" Sigaw ko sa kanya.

"Wait- wait.. parang hindi naman natin iyon ginawa dati?" Nakangising saad niya.


"Damn you Benny!" Sigaw ko at akmang sasampalin siya pero hinuli niya ang kamay ko.


Benny is one of my ex, he is my last ex. Ewan ko ba dito kung bakit ayaw pa akong tigilan. We broke up because he's a jerk. He is flirting with other girls while we're still together.


We're better off as friends, pero lately ay napapadalas na naman ang pag ti-text niya sa akin. Siguro ay nagsawa na sa kaka babae kaya ako naman ang kinukulit.


Sa tingin niya ba ay babalikan ko pa siya? Kapag ex ay ex na, hindi na dapat binabalikan. At isa pa, bakit pa ako babalik sa kanya eh nang babae siya? hindi ako tanga para kumuha ng batong ipupukpok sa sariling ulo.

Hindi ako masiyadong nasaktan pero I felt betrayed, sinagot ko lang naman siya dahil unti unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya. I thought along the process ay tuluyan akong mahuhulog sa kanya, but I'm wrong. Lahat ng magandang bagay na ipinakita niya ay sa una lang pala, he started acting like a jerk nang hindi niya makuha ang gusto niya sa akin.



"Come on, I miss you bumalik ka na sa akin." Animo'y nag mamakaawang saad niya pa.


He can't use his charms on me, kabisado ko na siya sa mga ganyang galawan niya.



"Akala ko ba hindi ka nag rerecycle? Bakit bumabalik ka pa sa akin?" Nanunuyang tanong ko sa kanya.



Behind the Engineer's Glasses (Completed)Where stories live. Discover now