Kabanata 21

3K 67 9
                                    

Clingy

This is the first time that I finally felt that my life is moving. I always feel like I'm stuck. Pakiramdam ko ay wala akong progress sa buhay. Akala ko palagi lang akong nagtatago sa anino ng mga taong nasa harapan ko.



But now I'm finally moving, I'm able to do the things that I wanted.



My training began and I can say that I'm enjoying every bit of it. It's tiring but at the same time fulfilling. Iba talaga kapag na eenjoy mo ang nga bagay na ginagawa mo. You'll get tired but you'll feel that those tiring day is fulfilling.



Everyone in the department is nice, they're easy to approach and the working environment is healthy. Madali ko silang nakasundo because they are not intimidating.


"Kayla! Pinapagawa ni ssob Isabel," saad sa akin ni Vern habang inaabot ang isang papel.



"Get it done daw until bago mag uwian, keri mo ba?" Vern is one of the employees na nag tetrain sa amin. He's nice and he's willing to help palagi.



"Of course kayang kaya!" Masiglang saad ko.


"I like the energy!" Tili niya, at nakipag apir sa akin.

"Hoy! Vern balik na sa working station! Makita ka na naman ni boss na pakakat kalat," suway naman ni Daisy dito. Umirap naman si Vern.

"Oo na bakla ka! Ayaw mong makijoin sa amin, kaya wala kang jowa eh," asar ni Vern dito. Inirapan lang siya ni Daisy, nang mapunta naman ang tingin nito sa akin ay ngumiti ito.

Lagi silang nag aaway but Daisy is nice, mukha lang siyang mataray pero talagang mabait siya.


Nagpatuloy ako sa aking ginagawa, hindi naman masiyadong madami ang pinapagawa nila sa mga trainee kaya madali din akong nakakatapos.

I texted Freyr na uwian na namin, I didn't bring my car with me because I want to commute.

Saktong paglabas ko ay nag aantay na si Freyr sa akin sa labas ng company, he's wearing a white shirt the size is right unlike in the past when he used to wear super oversized shirts and maong pants that highlight his height, he paired those with white converse shoes, it simple but he stood out. He's wearing his eyeglasses, at dahil medyo mahangin umaangat ang buhok niya kaya medyo labas ang noo niya.

Para siyang nasa isang korean novela, seryoso ang kanyang mukha at mukhang masungit. Siya yung tipong mukhang pag pinag tanungan mo ay hindi ka sasagutin.

Nang makita niya ako ay agad na umaliwalas ang kanyang mukha, ngumiti ako sa kanya at kumaway.

"How's your day?" Tanong niya nang makalapit sa akin.

"It's fine! I'm having fun working here. They're nice and approachable," I said. Tumango tango naman siya.

"Let's go?" Aya niya sa akin, tumango naman ako at humawak sa kamay niya.

Holding his hands whenever we're walking outside became my habit. Noong una ay nagugulat pa siya kapag hahawak ako sa kamay niya. Ngunit ngayon ay nasanay na siya at mas hinihigpitan ang hawak sa kamay ko.

Sumakay kami ng jeep papauwi, pinauna niya akong sumakay dahil siksikan hindi kami nagkatabi sa upuan. Napapagitnaan ako ng isang lalaki at isang ale naman sa gilid.

Iniabot ko sa kanya ang bayad ko, noong una ay lagi siyang nag iinsist na siya na daw ang magbabayad pero hindi ako pumapayag. Kaya ngayon ay nasanay na siyang hiwalay ang bayad namin.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Where stories live. Discover now