Kabanata 34

2.9K 82 26
                                    

Investigation

I bit my lips while remembering our encounter...

Ibang iba na siya.. ibang iba na ang paraang ng pagtingin niya sa akin. Suddenly the side of my eyes became hot.


Napapikit ako habang dinadama ang mainit na tubig sa bathtub.

Hindi ko na dapat siya iniisip, He's married for fuck sake! Masaya na siguro iyon at may asawa na, baka nga may anak na rin siya eh.

Maraming pwedeng mangyari sa loob ng limang taon, maraming pwedeng magbago.

Hindi ko alam kung bakit may pait pa din sa puso ko... Siguro dahil umaasa ako na kapag nagkita kami ay babalik din sa dati... Na kapag nagkita kami ay hahabulin niya akong muli.

Masiyado kong pinairal ang pagiging matigas noon, nagpalamon ako sa sakit at hindi pinakinggan ang side niya.

I was too hurt... Nabulag ako sa sakit... At hindi agad naging handa.

And now I'm ready to hear his side, pero mukhang wala nang kwenta.

Bakit ba walang kwenta Kayla? Pakikinggan mo naman ang side niya para pareho na kayong matahimik! Hindi para magkabalikan kayo!

Sinabunutan ko ang aking sarili sa frustration.

Kasalanan mo 'to... Huli na nang maging handa ka...

Umahon ako sa bathtub at nagbanlaw na para makapag bihis. I wore my red nightgown and I apply my night skin care routine.

Napatitig ako sa aking repleksyon sa salamin. The young Kayla five years ago is now gone, I look mature and sophisticated compare to the past.

Mas naging curvy din ang katawan ko, hindi gano'n kalakihan ang aking dibdib pero hindi naman din sobrang liit.

Hindi nga lang yung tipong nananampal sa laki. Well at least naman ay may kakapitan ang bra ko.

Napanguso ako nang maalala ang sinabi ni Draco, he said that Freyr's girlfriend has a big boobs. Siguro ay kagaya ng pagbabago niya, nagbago din ang tipo niya. Well hindi ko naman siya masisisi, dahil mukhang natuto din siyang mag work out. Maganda na ang katawan niya noon ngunit mas lalong na define ngayon.

Siguro nakikita niya kapag nag gi-gym siya yung mga babaeng may malalaking boobs kaya ganoon ang naging tipo niya.

Napairap ako. Samantalang dati hindi niya magawang tignan ang dibdib ko! Ano? Kaya hindi niya matignan ay masiyadong maliit?! Kaya hindi niya pinag tutunan ng pansin ay maliit?

Inis akong humiga sa kama, bakit ko ba iniisip ang isang 'yon! Wala naman akong pake kung type niya yung may malalaking boobs! Pakalunod pa siya don e.

Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising, kung hindi pa ako kinatok ni manang ay hindi ako magigising.

Marami akong gagawin na araw na ito, kaya dali dali akong naghanda. I didn't even eat my breakfast because I have a meeting the supplier of the feeds for the poultry farm.

Nakarating ako sa farm dahil doon lang din naman kami mag uusap, pagkarating doon ay nandoon na din ang ka meeting ko.

"Magandang araw po," bati ko dito.

The man in his maybe.... Late forties welcome me with a smile. Sa tabi niya ay isang lalaking sa tingin ko ay ka edaran ko lang. He's tall and he has this playful look in his face.

"Magandang araw iha, ikaw pala ang anak ni Kathreena," saad nito at nakipag kamay sa akin.

Agad ko namang tinanggap ang kanay nito bago sumagot, "Opo, I'm Kayla po..." Pakilala ko dito.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Where stories live. Discover now