Kabanata 6

3.7K 97 43
                                    

Bruised

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali sa upuan ko, kanina pa ako palinga linga sa entrance ng canteen at umaasang darating si Freyr.

"Sinong hinihintay mo?" Takang tanong ni Geneva.

Umaatake na naman ang pag ooverthink ko dahil sa nakita kong kalagayan ni Freyr kanina.

Humarap ako kay Geneva bago nagsalita, "Si Freyr." Matapat na saad ko. Kahit pa nandoon ang mapang asar niyang mukha ay hindi ko na ito pinansin.

"Mukhang hulog ka na sa nerd na iyon ah, ilang linggo pa lang naman kayo magkakilala, tsk." Naiiling na saad niya.

I'm worried because he looks helpless habang bitbit ng lalaki kanina. Nang ma-realize ko na wala nga pa lang kaibigan si Freyr ay nag alala na ako.


"Nag iba na pala ang tipo mo." Naka ngising asong saad ni kevin, hirap na hirap pa siyang magsalita dahil punong puno ang bibig niya.


Sinamaan ko siya ng tingin at hinagisan ng tissue dahil tumatalsik ang mga kinakain niya.

Ang gwapo gwapo dugyutin.

"Umayos ka nga! Kaya ka hindi matipuhan ni Jaimie eh!" Singhal ko sa kanya, inirapan niya ako at nagpunas ng kanyang bibig.

"Anong hindi? Crush ako non kaya nagsusungit sa akin!" Pagmamayabang niya.

Sakto naman ang biglang pag sulpot ni Jaimie, mukhang narinig ang sinabi ni kevin kaya binigyan niya ito ng isang pamatay na tingin.

Napa ayos naman ng upo si Kevin at halos mabilaukan sa sama ng tingin ni Jaimie.

Natatawang binatukan ni Geneva si Kevin.


"Ayusin mo muna sarili boy!" Saad niya sabay halakhak nakasimangot naman ang pinsan ko.

"Fuck you ka bente!" Mariing bulong nito.

Patuloy ang asaran namin habang kumakain, kung ano anong kalokohan lang ang sinasabi ni Kevin, halatang nagpaparinig kay Jaimie na wala namang pakielam sa kanya at patuloy lang sa pag kain.


Halos patapos na kaming kumain ng marinig ko ang pangalan ni Freyr sa isang estudyanteng nagdaan.



"Kawawa naman si Freyr, na-corner ni Draco."

"Hindi pa ba tapos ang competition sa pagitan ng dalawa na iyon?"


"Alam mo namang, laging si Freyr ang nangunguna sa dean's list diba, malamang ay hindi tanggap ni Drac yon."

"Bakit ba kasi yung freak na iyon ang nangunguna? Like mas pogi naman si Draco sa kanya, mas ma-eeffort pa!"


"We don't know mamaya nag cast pala siya ng spell sa nga prof."


"Hindi malabo girl, kasi yung crush niyang si Kayla pinag tatanggol na siya!"  Saad nila at nagtawanan pa.

Masama ang tingin ko sa dalawang bichesa na nag chichismisan sa harap ko. Gustong gusto kong batuhin ng sapatos ang dalawa, dahil tutal mukha naman silang medyas na hindi nalabhan ng isang taon. Mga dugyutin.


Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang panglalait nila, tumayo ako bitbit ang gamit ko.


Kilala ko si Draco, isa siya sa mga common friends ko. Kilala siya bilang matapang at competitive, pero hindi ko ma imagine na aabot sa ganito ang pagiging competitive niya at kailangan niya pang apihin si Freyr.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant