Kabanata 2

5.4K 116 46
                                    

Soft

Maaga akong pumasok sa school ngayon dahil kailangan kong mag habol ng mga aaralin, maaga din akong nagising para hindi ako masabay sa buso ng mga estudyante mamaya.

Wala pang masiyadong tao kaya naman sa library muna ako tumambay, mabuti na lang at maaga lagi ang librarian kaya bukas na ito.


"Good morning Mrs. Roses!" Masiglang bati ko dito nakita ko pa ang pagtaas ng kilay nito.


Si Mrs. Roses ang napaka taray na librarian ng school, maraming takot sa kanya pero ako gustong gusto ko siyang librarian. Ewan ko lang kung bakit pero parang nanay na rin ang turing ko sa kanya.



"Maaga ka para matulog?" Nakataas na kilay na tanong niya sa akin, ngumiti lang ako sa kanya.



"Para namang di mo pa ako kilala," biro ko napailing lang siya sa akin.


Masungit si Mrs, Roses dahil matanda na ito at wala na din siyang asawa dahil namatay sa gyera.


Hinanap ko ang pwesto ko palagi sa library sa sulok iyon at ang pinaka malayo sa pinto doon ako umupo at yumukyok. Naisipan kong umidlip muna bago mag review.



Hindi ako makatulog nang maayos sa unit ko, sanay naman ako ng mag isa pero kapag umaatake na naman ang pag ooverthink ko ay hindi ko kinakaya kaya minsan it's either umiinom ako ng sleeping pills or kaya nag gagala ako para makalimot at hindi mag overthink.


Iniisip ko ang mga panaginip ko nitong mga nakaraang araw, napapanaginipan ko na naman siya..



Naisip ko ang nangyari kahapon, hindi naman pala ganon ka creepy si Freyr siguro alisin niya lang yung buhok na nakatabing sa mata niya ayos na siya.


Napapitlag ako ng maramdaman na may umupo sa harap ko, agad akong napabangon dahil sa lahat ng uupuan ay sa harap ko pa nangahas na umupo.



Nanlaki ang mata ko ng makitang si Freyr iyon, as usual naka oversized t-shirt na naman siya sobrang laki non dahil payat siya, or akala ko lang kasi laging ganyan ang ayos niya, suot ang kanyang salamin at nakatabing na naman ang kanyang buhok sa kanyang mga mata.


"Ang aga mo ah," bati ko sa kanya nakayuko na naman siya at hindi tumitingin sa mga mata ko.



"E-Eto oh," abot niya sa akin sa isang kape.




Galing pa itong Starbucks, agad ko naman iyong kinuha sayang din naman kung tatanggihan ko.


"P-Pwede bang tumabi?" Tanong niya.


Napatawa naman ako sa kanya.


"Kanina ka pa nakaupo tapos ngayon ka lang nagpaalam," nakita kong namula ang pisnge niya.

Ang sarap kurutin.

"Joke, upo ka lang," Sabi ko.


Naglabas ako ng libro para sa isang subject namin dahil may quiz kami mamaya, kailangan kong mag recall.


Nakita ko naman na naglabas siya ng isang malaking papel mula sa kanyang drawing tube na sa tingin ko ay blue print.


Na curious ako kaya lumipat ako sa tabi niya para tignan.


"Ikaw ang may gawa niyan?" Tanong ko habang nakatingin parin sa blueprint.


"O-Oo," aniya at inilapag ng maayos ang Blueprint, maraming nakasulat doon na hindi ko maintindihan.


Behind the Engineer's Glasses (Completed)Where stories live. Discover now