Kabanata 18

3.2K 86 17
                                    

Court

I wiped my tears and covered my nose because of the smoke from the barbeque grill.


After mamili ng damit we decided na mag barbeque for dinner, kaya after sa bilihan ng damit dumeretso kami sa grocery para mamili ng mga kailangan.


Freyr decided din to invite his tiyo, tiya, and Lola para sa barbeque party namin mamaya.



Habang wala pa ang mga tiyo niya ay nagsimula na kaming maghanda, we almost prepared everything kaya naman kaonti na lang ang gagawin. Nakapag simula na din kaming mag ihaw, dahil kaninang tanghali pa namin na-marinate yung karne.



Nagsisibak ng kahoy si Freyr habang sinisimulan ko nang mag ihaw. Malawak ang harapan ng bahay nila kaya naman magandang mag salu-salo dito.


Hindi ko mapigilang tumingin sa ginagawa ni Freyr, he looks skilled while doing his thing.


Hindi siya mukhang trying hard, halata sa kanya na sanay na siya sa gawaing iyon, madali din kasi niyang nasisibak ang mga kahoy. Para bang walang kahirap hirap ang gawaing ito sa kanya, although his body looks thin.


He's not super thin but his body is lean and healthy like those k-pop boys, maputi din siya at mukhang masungit, at yung mga mata niya parang laging bored.


Pero hindi halata ito dahil nga laging nakatabon ang makapal niyang buhok, pati na rin ang salamin niya, madalas din siyang nakayuko noon at laging umiiwas. Noong madalas na kaming nagkakasama saka ko lang nakita ng husto yung mukha niya, at napansin ko din ang mga galaw at kilos niya.


He's gentleman he's always opening the door for me, he would also help me with my things like my books. At isa pa sa napansin ko sa kanya ang pagiging malinis niya, he's a clean freak! Kapag kumakain kami sa labas pupunasan muna niya yung mga utensils bago kami kumain. He would spray alcohol sa table. Kapag naman nasa bahay kami, he would wash the dishes after naming kumain, kaya kapag nasa bahay siya ay malinis lagi ang bahay ko.


Kulang na nga lang ipaglaba niya na rin ako sa sobrang sipag niyang mag linis.



And one of his mannerism that I noticed is that he likes touching his nose, he would do that whenever he's shy, serious or frsutrated. Dahil sa tagal na naming magkasama , kilalang kilala ko na ang ugali niya. He's shy at first but he is fun to be with, and I enjoy those times that I spent with him. I'm glad that I didn't judge him.


Nakita kong palapit na si Freyr sa akin, marahil ay tapos na siyang magsibak. Basa siya ng pawis at halata sa mukha niya ang pagod. I was about to hand him the towel, but he's already wiping his sweat.



Using his damn shirt.



And because he is using his shirt, his abdomen showed up and I can't help but to look at it. Damn that abs.



Umiwas ako ng tingin, but I can't help to take a second glance, checking if he's already done. But my eyes landed on the same place again.


I can't help but to cough when our eyes met. Damn! he caught me looking at his abs.



Akala ko ay hindi niya ako pupuntuhan sa pwesto ko, ngunit mas lumapit pa siya. Kinuha niya ang pamaypay sa akin, at inabutan din niya ako ng tubig.


"Ako na dito," saad niya at pinagpatuloy ang pagpaypay sa niluluto.



"kaya ko naman." I said, then proceed to drink the water that he offer.


Behind the Engineer's Glasses (Completed)Where stories live. Discover now