Chapter 01: New Home

72 16 74
                                    

Chapter 01: New Home

"Salamat po, manong."

Inabot ni mama yung huling bagahe namin na nasa tricycle. Tumango lang yung tricycle driver bilang tugon bago umalis.

"Saan ba yung bahay natin, ma?" tanong ng nakababata kong kapatid na si Joshua.

Naghintay rin ako ng sagot dahil gusto kong malaman kung saan ba kami titira. Nakalihera ang mga bahay na may kanya-kanyang bakuran at sa harap nito ay ang kalsada- kung nasaan kami ngayon. Sa kabilang side naman ng kalsada ay puro puno. Parang subdivision na rin pero gubat ang view.

"Saglit, check ko ulit itong picture," inabot sa akin ni mama yung bag na hawak niya saka kinuha yung phone na nasa bulsa niya. Saglit niya itong kinalikot saka tumingin sa paligid.

"Ayun! Yun yung bahay natin! Tara na!" kinuha ni mama yung dalawang maleta saka naglakad papunta sa dulong bahay, agad namang sumunod si Joshua kaya naiwan akong mag-isa.

"Ma! Joshua! Ang dami nito, paano ko ito mabubuhat?" inis na sabi ko.

"Basta buhatin mo na 'yan, Aries!" sigaw ni mama saka dire-diretsong pumasok sa gate ng lilipatan naming bahay.

Si Joshua naman, parang walang narinig at naglalarong sumunod lang kay mama.

"Nakakainis naman!" Naiiritang reklamo ko bago ko binitbit yung tatlong backpacks at isang maleta. Papasok na sana ako pero parang may nakita akong gumalaw sa mga puno.

"Huh?" nilingon ko ito at wala naman akong nakitang kakaiba. Weird.

"Ate! Halika na! Ano pa bang ginagawa mo diyan?" Tanong ni Joshua.

Hindi ko na lang pinansin yung kanina, pagod lang siguro ako.

"Kung tulungan mo kaya ako? Kanina ka pa nagseselpon diyan, buhatin mo rin kaya itong bag mo?"

"Nye nye nye, ang bagal-bagal mo naman kasi," sabi niya saka kinuha yung dalawang backpack.

"Aba, sumasagot ka pa ha!"

Tumawa lang siya saka tumakbo papunta sa loob ng bahay. Sumunod na rin ako.

Nagpahinga muna kami. Noong hapon ay saka lang namin inayos ang mga gamit namin.

Malinis ang bahay nang dumating kami. May kakilala siguro si mama dito kaya sinabihan niya ito na maglinis. Kumpleto na rin ang mga appliances at furnitures. Titira na lang talaga ang kulang.

Nilibot ko ang buong bahay. Two-storey ito, merong tatlong bedrooms sa taas, dalawang cr, mini living room, at balcony. Nasa baba naman ang dining room, main-living room, kitchen, at dalawang cr. Hindi siya sobrang laki at hindi rin sobrang liit. Pero dahil tatlo lang kami, masyadong malaki ito para sa amin.

"Ma, saan mo nahanap itong bahay na ito? Magkano rin bili mo? Mahal siguro no?" Naglakad ako palapit sa kanya.

"Hindi ko ito binili, bahay namin ito ng papa mo noon," sagot niya.

Humila ako ng upuan sa dining table at naupo rin. Kasalukuyan kasing kumakain ng pandesal si mama.

"Bahay niyo ni papa? Meron naman pala tayong bahay dito bakit nangupahan pa tayo sa Leroy? Tsaka paano nagkaroon ng mga appliances at furnitures dito, ma? Sino rin naglinis? Nasa Leroy tayong lahat," sunud-sunod kong tanong.

"Edi yung caretaker ang nag-ayos. Tsaka huwag mo muna ako guluhin ngayon, Aries. Pagod ako."

"Hay, okay po."

Hindi ko na ginulo si mama, baka bigla na lang siya magalit sa akin. Gusto ko pa magtanong kaso huwag na lang muna.

Pumunta na ako sa kwarto ko para kumuha ng towel at mag-shower. Ilang minuto din akong nag-shower at doon na rin ako sa cr nagpalit. Pagbalik ko, nakaramdam ako ng simoy ng hangin.

Hello, Mister FangsWhere stories live. Discover now