Hello, Mister Fangs

55 12 32
                                    

Hello, Mister Fangs

'Fuck, Aries! Run!'

Ang buong katawan ko ay sumisigaw ng panganib. Subukan kong ienhance ang senses ko. Lima sila. Tangina lima. Mag-isa lang ako. Hindi ko sila kilala pero sinasabi ng katawan ko na hindi maganda ang intensyon nila sa akin. Hindi pa sila gumagalaw, nananatili silang nakamasid sa akin.

Kinuha ko na ang oportunidad na 'yun para tumakbo. Ginamit ko rin ang bilis ko para makatakas sa kanila pero minamalas rin ako ngayon dahil mukhang may kakayahan rin silang tumakbo nang mabilis. Sinundan ko lang yung tunog ng agos ng tubig. Feel ko lalabas na yung puso ko sa sobrang kaba.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa mapunta ako sa patag na lugar. Walang mga puno at tanging mabababang mga damo at naglalakihang mga bato lang ang meron.

Tumakbo pa ako pero sadyang napakatanga ko lang siguro kaya aksidenteng nadulas ako sa bato. Napahiga ako dahil sa sakit na dulot nito sa paa ko.

Kitang-kita ko na ang kabilugan ng buwan, napakalaki nito. Ang malakas na tibok ng puso ko ay sumasabay sa malakas na tunog ng pagbagsak ng tubig. Nandito pala ako sa itaas ng falls. Hindi ko naman inaasahan na sa ganitong set up ko pa makikita ito!

Lumabas sa kakahuyan ang mga humahabol sa akin. Tama nga ako, lima sila. Hindi ko mapigilang sumigaw habang iniinda ang sakit ng paa at hinahabol ang hininga ko.

"ANO BANG KAILANGAN NIYO SA AKIN?!"

"Sino ba namang mag-aakala na ikaw pa mismo ang lalapit sa amin?" sabi ng isa sa kanila. Apat ang lalaki sa kanila at isa ang babae.

"Ano bang pinagsasabi mo? Kayo nga ang lumapit sa akin!" sigaw ko ulit. Humakbang sila palapit sa akin. Ramdam ko ang pagod, kaba, takot, pagtataka, at galit.

Tumawa lang sila sa sinabi ko. Pinipilit kong magpakatatag, pero sa totoo lang sobrang natatakot na ako. Gusto kong umiyak.

"Mmm. Napakabango ng dugo mo, parehong-pareho talaga kayo."

"Makakaganti na rin tayo. Hindi ko inaasahang magiging madali lang sa amin ang hanapin ka."

Tinanong ko ulit sila, "Ano bang problema niyo? Adik ba kayo?"

Tumayo ako. Hindi pwedeng ganito, nilakasan ko ang loob ko. Malulungkot si mama, si Joshua, sila Hailey at Simon... pati na rin si Riel. Tinignan ko yung lima, tinitignan lang nila ako. Mukha silang lasing na mga bampira.

May naramdaman akong isa pang presensya. Umatras ako habang sa kanila pa rin nakaharap. Maingat ang bawat hakbang ko.

"Ano pang ginagawa mo? Tumatakas ka ba? Wala ka ng mapupuntahan!" Sabi ng babae sa akin. Tumawa silang lima. Nakakarindi ang mga boses nila.

"Checkmate kana, Miller."

Paano nila ako nakilala? Pero hindi na yun ang mahalaga ngayon. Sinilip ko ang likod ko, napakadilim sa ibaba ng bangin. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag namin.

Naramdaman kong nakatingin siya sa akin. Umatras lang ako nang umatras.

"Hindi niyo ako mapapasuko," sabi ko at ngumisi sa kanilang lima.

Nawala ang ngiti ng lima nang marealize nila ang plano ko. Bago pa nila ako maabutan, tumakbo na ako at tumalon pababa sa talon.

Parang bumagal ang oras. Tanging ang malakas na tibok ng puso ko lamang ang sumakop sa pandinig ko.

Ramdam na ramdam ko rin ang malamig na hangin na sumasalubong sa katawan ko. Pinagmasdan ko ang buwan bago ko ipinikit ang mga mata ko.

'Ipinagkakatiwala ko ang buhay ko sayo... Ikaw na ang bahala sa akin, Riel.'

Hello, Mister FangsWhere stories live. Discover now