Chapter 05: Realization

32 9 38
                                    

Chapter 05: Realization

"Ahhhh!" Agad akong napabangon sa higaan habang hinahabol yung hininga ko. Tinignan ko yung palad ko at pinakiramdaman ito, wala na yung nagbabagang init.

Sumunod kong sinuri yung damit ko, yun pa rin naman yung damit ko kanina. Nakahinga ako nang maluwag.

Inilibot ko yung mata ko para tignan kung nasaan ako. Hindi ko alam kung saan ba ito. Isa itong itim na kwarto na puno ng mga libro. Meron ding furnace, may sofa at maliit na table na malapit dito.

"Ari!" lumingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Hailey na may hawak na tray. Ibinaba niya ito at agad na lumapit sa akin para yakapin ako. "I was so worried!" naiiyak na sabi nito.

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Hinawakan niya ang mukha ko at tinignan ako, "Are you okay? Tell me, meron bang masakit sayo?"

Natawa ako sa inasta niya. Ngayon lang kami nagkakilala pero bilib na ako sa pag-aalala niya. "Okay na ako, Hailey." Inilibot ko ulit yung paningin ko, "Nasaan pala ako? Kwarto mo ba ito?" ibinalik ko ang paningin ko sa kanya.

Saglit niyang pinunasan yung mata niya bago sumagot. "This is Riel's office– bedroom niya ito here sa office niya," tinignan niya ulit ako. Parang anytime ata ay maiiyak ulit siya.

"Baka umiyak ka diyan ha, hindi naman ikaw yung nakaramdam ng sakit e," pagbibiro ko sa kanya. Nakatanggap naman ako ng hampas sa braso dahil doon.

"Ari naman, e!" at tuluyan na nga siyang naiyak. "I was so worried... and... and I can't do anything to help you... Nakakafrustrate! Hindi ko man lang magamit yung abilities ko!" she is trying her best to explain her feelings.

"Ano bang pinagsasabi mo? Okay na ako ngayon at yun ang mahalaga," tinapik ko yung balikat niya at natawa. "Hanggang ngayon talaga hindi mo pa rin pinapalagpas 'yang hilig mo sa mga fantasy characters, 'no?"

Napahinto siya sa pag-iyak at nagtatakang tumingin sa akin. "F-fantasy characters?"

"Oo," tumango ako. "Pareho kayo ng mga kaklase ko noon sa Leroy— mahihilig sa mga characters na hindi naman nag-eexist."

"Ari..." mas kumunot ang noo niya. "I'm not joking and I'm not imagining things," seryoso siyang tumingin sa akin. "I'm a vampire. We are vampires."

Natahimik ako sa sinabi niya. Ilang segundo muna yon bago ako natawa.

"Nice try, di ako naniniwala sayo." Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin.

"Oh my gosh! I'm very offended," hinawakan niya yung dibdib niya. May sasabihin siya pero hininto niya yung sarili niya at saka ngumiti sa akin. "Nevermind, it will be more fun if ikaw mismo ang makakadiscover. Just don't make lapit to me if I'm tama ha?" Tumawa siya.

Tinignan ko lang siya. Sa totoo lang, ang weird talaga ni Hailey. Tama bang sa kanya ako sumasama?

Nawala ako sa pag-iisip nang may pumasok sa kwarto na dalawang lalaki. Kumunot ang noo ko nang makilala kung sino ang mga ito.

"I knew it, gising ka na. Narinig ko kasi yung malakas na tawa ni Sab," sabi ni Dr. Lucas saka nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Hailey.

Si Dr. Lucas yung nasa harap ko ngayon. Yung tatay talaga niya ang family doctor namin, pero since wala yung papa niya last time, siya ang pumunta sa bahay. Doon ko siya naunang nakita.

"Sab?" nagtatakang tanong ko. Si Hailey naman ang sumagot, "Tawag nila sa akin, short for 'Izabelle'."

Tumango lang ako. Sumama ang mukha ko nang mag-tama ang paningin namin ng lalaking yon. Bakit ba lagi na lang siyang nakatingin?

Hello, Mister FangsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ