Chapter 11: Doubt

11 3 0
                                    

Chapter 11: Doubt

"Surprise? Don't be. Because before you step your foot in this town, Riel is mine. He is my mate."

Para akong naubusan ng lakas sa sinabi niya.

'No, hindi 'yun totoo. She's telling lies para madistract ako.'

"I don't believe you," sabi ko sa kanya saka nagsimulang umatake.

Mabilis ang naging pag atake ko pero madali lang niya iyong nasangga. Kung sa fencing, kailangan ko lang matouch yung katawan ng kalaban ko gamit ang point para manalo, iba dito sa battle. Kailangan ko siyang mapatumba at siguraduhing hindi na siya makakalaban pa para manalo.

"Mabibigat ang atake mo, bakit? Affected ka ba?"

Hindi ko siya pinansin at mas nagfocus lang sa laban. Pwede ba siyang tumahimik na lang?

"Come to think of it, Arianna. Bagong salta ka lang dito," sabi niya saka tumakbo sa likod ko, agad ko naman siyang nasundan. "You, of all of people, should be more careful. Hindi ka dapat nagpapaniwala. But here we are, nandito ka sa harap ko ngayon at unti-unting naniniwala na kayo ni Riel ang nakatadhana."

Hindi ako nagsalita, umatake lang ako nang umatake. Ang hirap mang aminin pero tama siya, dapat hindi ako agad nagpapaniwala. Lalo na sa kanya.

"Still, I refuse to believe you," sabi ko saka siya sinugod. Gusto kong tamaan yung kamay niya para mabitawan niya yung espadang hawak niya.

Tumawa siya nang sarkastiko. "Seems like you don't believe me at all. So, how about this? "Always remember that I'm still your mate. Just tell me if you're ready to accept me." Sounds familiar?" Sabi niya na nakapagpahinto sa akin.

'Starting from now on, hindi na kita guguluhin. I will not follow you nor visit your dreams. Always remember that I'm still your mate. Just tell me if you're ready to accept me.'

Parehong pareho. 'Yan yung sinabi sa akin ni Riel noon.

"How about your dreams? Nagpapakita rin ba siya sayo? Did he gave you welcoming letters? like what he did when he welcomed me?" Paanong... tinutok ko sa kanya yung espada ko.

"Enough."

Tumingin lang siya sa akin. "Bakit? Hindi mo ba matanggap? That's the exact same thing that he said to me! Wake up, Arianna! You are not his mate because I am his real mate. Huwag ka nang umasa, he is using you to get back to me. I am his real mate and you... are nothing but a piece of-"

"I said enough!" sigaw ko saka siya inatake nang sobrang bilis.

Sinangga niya lahat ng atake ko, sinubukan niyang umatake pero hindi ko siya binigyan pa ng pagkakataon.

Sunod-sunod lahat ng atake ko sa kanya, tanging ang tunog ng naglalaban naming espada at ng aming galaw lang ang maririnig. Hindi rin mawawala ang mga hangos namin habang naglalaban.

Sobrang bilis ng kilos ko, aamin ko, naapektuhan ako sa sinabi niya. At ang tanging gusto ko ngayon ay makita siyang nakahandusay sa sahig.

Ilang saglit pa, nakakita ako ng pagkakataon para makuha ang sandata niya. Nasugatan ko siya sa kamay at agad ko iyong kinuhang oportunidad para kuhanin sa kanya ang espada niya gamit ang espada ko. Tumilapon iyon sa ere kaya tumakbo ako para saluhin 'yun. Pagkakuha ko, bumalik ako sa kanya saka sinipa siya at itinutok ang dalawang espada sa leeg niya

Nakatingin lang siya sa akin habang nakahandusay sa sahig, pareho naming hinahabol ang aming hininga. Ilang saglit pa, nakita kong nakalagay ang pangalan ko sa screen sa harap na nagsasabing ako ang panalo para sa round na iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hello, Mister FangsWhere stories live. Discover now