Chapter 04: Consequences

42 10 45
                                    

Chapter 04: Consequences

"You can run but you can't escape your destiny, Arianna. Babalik at babalik ka pa rin sa akin."

Tumawa ako bago lumingon sa kanya. "Babalik your face!" sabi ko saka patakbong bumalik sa main building.

"Ari girl! Omg you're back!" Kumaway sa akin si Hailey. Tapos na pala yung ceremony. Coincidence namang nakasalubong ko siya. "Nakita mo ba yung hinahanap mo?" tanong niya saka nilagay sa tenga yung ilang hibla ng kanyang buhok.

Tumango lang ako saka humawak sa tuhod ko para habulin yung hininga ko. Sino ba naman kasing nagsabing takbuhin ko mula sa kubo hanggang dito?

"Hala, you're so pagod. Where did you go ba?" Tanong niya sa akin.

"Wala, diyan lang." tinuro ko kung saan ako nanggaling. Inabutan niya ako ng tumbler.

"Water 'yan, hindi kasi maganda ang blood juice kapag hinihingal tayo," nakangiti niyang inabot iyon sa akin. Tinanggap ko ito at agad na ininom. Halos maubos ko na yung tubig sa tumbler niya.

"Thank you, Hailey," binalik ko yung tumbler niya. "Pero ano yun? Blood juice?" nagtataka kong tanong.

"Haler?? Blood juice! Bloo- oh," napahinto siya dahil parang may narealize siya. "You're a transferee!" nagugulat na sabi niya.

"Uhm, yes? Hindi ba obvious?" tanong ko sa kanya. "Halos patayin na nga ako sa tingin kanina ng mga estudyante dahil doon sa nuwe-nuwe na sinasabi niyo," dagdag ko. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"That explains why..." tumango-tango siya. "Tsaka it's nue zen avich, it means good morning also. Zen avich is good morning. Nue ay parang 'too' or in other world, good morning 'rin'! Like that," pag-eexplaim niya na may kasama pang gestures.

In other world? "Ohh, ano naman yung les? Narinig ko rin na sinabi yun ni Miss Evans." tanong ko, hindi ko na lang pinansin yung ibang mga sinabi niya.

"Les means okay or alright. Des if no or you're disagreeing," pumunta siya sa harap ko at hinawakan yung kamay ko. "By the way, pwedeng patingin yung sched mo? I hope na we are in the same section hihi!" energetic na sabi niya.

"Sige, saglit lang," kinuha ko yung schedule ko na naka ipit sa folder saka binigay sa kanya.

Nagtaka ako nang bigla siyang lumapit sa akin at nag-inhale ng malalim. "I can smell a different scent from you, pero very faint lang siya," komento niya bago sinuri yung sched ko. Wala sa sariling inamoy ko yung sarili ko. "Wala namang bago, ah?"

"Yeah, yeah. You can't smell it if hindi ka pa aware," sabi niya saka malawak ang ngiting tumingin sa akin. "Yes girl! Pareho tayo ng section! I'm so happy, I'm your friend now ha," sabi niya saka yinakap ako. Pasimple ko namang tinanggal yung pagkayakap niya. Hindi kasi ako kumportable sa mga ganon.

"Sige," payag ko sa sinabi niya. Kahit maarte siya, magaan naman yung pakiramdam ko sa kanya. Okay na 'yun.

Sinamahan ako ni Hailey papunta sa unang klase namin. Kwinentuhan niya din ako ng mga experiences niya dito sa school, sinabi niya rin sa akin na asahan ko na daw na maraming manggugulo sa buhay ko dahil transferee ako. Lalo na daw yung mean girls nila dito sa univ.

"Meron pa ba talagang ganon dito? Akala ko sa libro at mga palabas lang nag-eexist yung mga ganyan. Masyadong cliché," natatawang sabi ko.

"Hay nako girl, meron talaga. Masyado kasing mga pabida yung mga yun, hindi ko lang sila pinapatulan kasi ayoko sa gulo. They are so mayabang, like mas mataas naman blr ko sa kanila. Tch!" dire-diretso niyang sabi saka naghairflip.

Hello, Mister FangsWhere stories live. Discover now