Chapter 07: Hidden

28 9 24
                                    

Chapter 07: Hidden

"Hello, Doc Lucas?" pagbati ko sa phone. "Si Arianna ito..."

"Arianna! Bakit ka napatawag? Do you feel something strange? Sumasakit na naman ba palad mo? May tanong ka ba about the capsules?" casual pero sunud-sunod na tanong niya.

"Hindi e," mahina kong sabi. "Tungkol kasi kay Hailey," dugtong ko. Tumahimik siya ng ilang saglit.

"What happened to her?" naging seryoso ang boses niya. "Please tell me that she's doing good."

Nag-aalangan pa ako kung sasabihin ko pa ba pero feel ko talaga alam niya kung nasaan si Hailey e.

"Hindi ko kasi siya mahanap. Nagtanong-tanong na rin ako dito sa campus kung alam ba nila kung saan siya pumunta pero wala. Bigla na lang kasi siyang umalis kanina." Paliwanag ko sa nangyari. "Close kasi kayo ni Hailey, kaya baka alam mo kung saan siya tumatambay or pumunta hehe."

"Hindi naman siya umaalis basta-basta ng walang paalam unless..." huminto siya sa pananalita. "I think I know where she is."

Pinaliwanag sa akin ni Doc Lucas kung saan laging tumatambay si Hailey. Nagpasalamat ako sa kanya bago tuluyang natapos yung tawag at nangakong babalitaan siya sa lagay ni Hailey.

Pumunta ako sa side ng campus kung saan makikita mo yung malaking pader na nababalutan ng mga damo. Nang makita ko yung panyong dilaw na sinasabi ni Doc Lucas, hinila ko ito. Nagulat ako nang bumukas ang pader para magkaroon ng maliit na pinto. Tama nga si Doc Lucas...

Sinigurado ko munang walang nakakita sa akin bago ako pumasok. Hinila ko rin ang panyo para magsara ito.

"Woah" Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagkamangha. Puno ng mga bulaklak ang lugar na ito, meron ding cottage at fountain. Muntik ko na makalimutan kung bakit ba ako pumunta dito dahil sa sobrang ganda ng lugar. I composed myself at hinanap si Hailey. Hindi naman ako binigo ni doctor Lucas dahil nakita ko si Hailey na nakaupo sa ilalim ng puno habang ang tingin ay nasa kalawakan. Lumapit ako sa kanya.

"Kanina pa kita hinahanap," mahinang sabi ko. Umupo ako sa tabi niya. Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa asul na kalangitan, halatang umiyak siya dahil namumugto ang mga mata niya. It's very rare to see this side of Hailey, nasanay akong sobrang daldal niya at laging nakangiti.

Walang nagsalita sa amin, nanatili kaming tahimik. Tumingin na lang rin ako sa kalangitan, ang ganda ng mga clouds. Sobrang ganda ng buong paligid pero ramdam ko yung bigat ng aura. We stayed like that for a while until Hailey decided to break the silence.

"You know Ari, I didn't know why I said that to Patricia." Panimula niya. Lumingon ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa mga ulap. "Maybe because I want to hurt her... because I know masasaktan ko talaga siya kapag sinabi ko 'yun. Pero parang hindi lang naman siya yung nasaktan, Ari. Pati rin ako." A tear rolled down to her cheek pero agad niya rin iyong pinunasan. "Because my dad, I mean my real dad- abandoned me. I was still a child back then but I can still remember how I clasped into my father's knees, begging for him to stay. Wala akong ginawa kundi umiyak at magmakaawa na huwag niya kaming iwan. Si mommy, walang rin siyang nagawa kundi umiyak. We were both begging for him to stay... But in the end, he chose to be with someone else." Nabasag ang boses niya. Pinipigilan niyang umiyak but she's failing. Another tear fell down on her cheek.

"It's funny because I was the one who attacked Patricia with those harsh words pero ako yung nasaktan. Ako yung nasugatan. Nasaktan ko nga siya, pero mas nasaktan ko yung sarili ko. Because even tho Patricia's dad didn't love her, hindi niya sila iniwan. Her dad never abandoned their family." Tumingin siya sa akin, namumugto ang malungkot niyang mga mata. Her lips quivered.

Hello, Mister FangsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon