Chapter 02: That Voice

69 13 74
                                    

Chapter 02: That Voice

Sabado na ngayon, isang linggo na ang nakalipas simula noong lumipat kami dito. At isang linggo na rin akong walang matinong tulog dahil sa mga panaginip na iyon.

Noong sinabi ni mama na lilipat kami dito sa Harsel, hindi na talaga maganda ang kutob ko. May rason si papa kung bakit ayaw niya nang bumalik dito, pero heto kami ngayon... bumalik sa bayan na kinasusuklaman niya. Hindi ko ba alam diyan kay mama.

May naramdaman akong malamig na tubig na dumadaloy sa paa ko.

"Ay hala!" Agad kong pinatay yung gripo saka mahinang tinampal yung noo ko. Nasobrahan ko na naman sa pag-iisip.

Binuhat ko yung isang timbang puno ng tubig, kailangan ko na diligan yung halaman na binili ni mama. Nag-order kasi siya ng mga hanging vinca. Nirepot niya ang mga ito at sinabit sa bakod para maganda raw tignan kapag namulaklak sila.

Pagkatapos kong magdilig, naligo na ako dahil kailangan ko pang mag-enroll. Since bagong lipat lang kami, bagong school rin ang papasukan ko.

Nagsuot ako ng maong na shorts, white na shirt, and sneakers. Kinuha ko na din yung mini backpack ko para may lalagyanan yung wallet at phone ko. Tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin bago lumabas ng kwarto.

"Ma? Nasaan pala yung mga requirements na ipapasa ko?" Tanong ko kay mama pagkababa ko. Naabutan ko siyang nanonood sa sala habang kumakain ng fries. Lumapit ako sa kanya.

"Ma, yung requirements.."

"Nandiyan sa may table malapit sa hagdan," sagot niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa tv.

Agad kong hinanap yung sinasabi niya at meron ngang nakapatong na folder sa table. Kinuha ko 'yon.

"Ito ba yun, ma?" tinaas ko yung black na folder. Saglit itong tinignan ni mama bago tumango.

"Sige, punta na po ako dahil i-eenroll ko pa si Joshua,"

"Ay oo nga pala, Aries!" biglang lumingon ulit sa akin si mama. "Na-enroll ko na si Joshua, sarili mo na lang ang asikasuhin mo," ngumiti siya.

"Ma?! Eh bakit hindi niyo pa ako isinama? Same lang naman kami ng school na papasukan!" inis na sabi ko. Si Joshua lang ba ang anak dito? Babawi sana ako ng tulog ngayon e!

"Kaya mo na 'yan! Tsaka parusa mo na rin 'yan kasi hindi mo binalik sa akin yung barya ng five thousand," sinamaan niya ako ng tingin. "Akala mo siguro hindi ko maaalala 'no?"

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at tumalikod. Mali ka doon, Aries.

"Ah ma, sige pupunta na pala ako sa school. Kailangan ko rin talagang pumunta para naman maging familiar na sa akin yung bagong school ko. Harsel University, tama?"

Inayos ko yung folder saka nagmartsa na palabas ng bahay.

"Ibigay mo agad 'yang buong folder, ha?" pahabol ni mama bago ako makalabas ng bahay.

"Okay!" Sigaw ko pabalik. Binuksan ko yung gate at lumabas na.

Bago pa ako magtawag ng tricycle, meron na agad huminto sa harapan ko. Woah, that fast? Chineck ko if merong 'H' sa body number ng tricycle bago sumakay.

"Kuya sa Harsel University po," sabi ko. Tumango naman yung driver saka inistart na mag-maneho. Smooth naman magdrive si kuya.

Habang papunta kami sa school, napansin ko na wala masyadong building sa right side ng kalsada. Puro puno lang at matataas na bush lang ang nandoon. Halos nasa left side lahat ng infrastracture. And that's weird. Nagsearch ako about dito sa Harsel bago kami lumipat, pero sobrang limited lang ng information na nakuha ko. It's about Harsel being the best Town in the country. Nakareceive din ito ng rewards bilang pinaka-maganda and payapa na bayan, poverty-free town, and ito rin yung may pinaka-konting crime reports. Halos dalawa hanggang tatlo lang yung krimen na nangyayari dito sa isang taon. And I doubt that, is it really possible? Akala ko maling website yung naopen ko but it turns out na it's an official government website pala. Harsel is also known as the "Perfect Town".

Hello, Mister FangsWhere stories live. Discover now