Chapter 06: More About Them

30 10 26
                                    

Chapter 06: More About Them

Kinabukasan, maaga akong pumunta sa school para maaga rin akong matapos. Limang oras ba naman daw kasi akong tutulong doon?

"Zen avich, Miss Lyn!" pagbati ko sa librarian na abala sa pagtype sa keyboard. Yumuko ako para magbigay galang.

Lumingon siya sa akin at itinaas ang eyeglasses niya. "Nue zen avich, Miller. I'm sure nagbilin na sayo si Margarette sa gagawin mo ngayon," malambing na boses ang sumakop sa pandinig ko.

"Opo," tumango ako.

Kung ikukumpara ko siya kay Miss Evans, mas maamo tignan ang mukha ni Miss Lyn. Parang nangungusap ang mga mata nito, her tiny nose suits her, ang cute niya tignan and meron ding siyang glossy lips na mas nag bibigay ng angelic aura. Her shoulder-length hair waves softly as she moves, parang may sariling buhay ang mga ito. Maputi rin ito at may katangkaran, sa totoo lang, pwedeng-pwede siya sumali sa pageant.

Kinuha ko mula sa bag ko yung card na ibinigay sa akin ni Miss Evans kahapon. Kailangan ko ng pirma ni Miss Lyn para meron akong proof. Ibinigay ko iyon kay Miss Lyn bago ako dumiretso sa history section.

Inilibot ko ang mata ko, may mga estudyante pa rin pala na nandito kahit Sabado. Masyado naman nilang ginagalingan.

Noong una, akala ko maliligaw ako dito sa library sa sobrang lawak nito, masyado ata itong malaki para maging school library. Nagmistulang maze ang bawat sulok dahil sa laki ng book shelves. Naagaw ng marbled staircase ang atensyon ko, naglalaro ang mga kulay na puti, itim at ginto sa mga iyon. Hindi ko alam na meron palang second floor dito sa library.

Nakaramdam ako ng excitement, walang kasing library na ganito kaganda sa Leroy. Kahit na ang mga libro ang habol ko, mas maganda pa rin na magbasa sa mayroong magandang ambiance. Medyo matagal-tagal na rin pala akong hindi nakapagbasa ng libro, masyado kasing nakakabigla ang mga nangyayari.

Ibinaba ko sa malapit na table yung mga gamit ko saka kinuha yung tela na magiging panlinis ko. Pumunta na ako kung saan ako naassign. Tatapusin ko na talaga agad itong gagawin ko para meron pa akong time maglibot dito sa library.

"Seryoso ba ito?" hindi makapaniwalang sabi ko pagkakita sa part na lilinisan ko. Malinis at maayos na yung books. Pinadaan ko yung daliri ko sa ibang libro, pati na rin sa book shelves para masigurado ngunit malinis na nga talaga ito. Pero ang sabi ni Miss Evans, matagal na daw itong hindi na linisan. Sigurado ako na kapag bumalik ako agad ay hindi pa mapipirmahan yung card ko.

Dinouble check ko na lang yung mga libro, baka kasi merong naisingit na iba. Lahat ng mga libro ay naaalagaan. Ineexpect ko na pag history books, talagang makaluma na ang dating at itsura nito, pero halos lahat ay mukhang bago.

Wait, ano ito? Napako ang tingin ko sa manipis na libro na nakaipit sa dalawang makapal na libro, hindi ito sobrang kita. Dala ng kuryosidad, wala sa sariling kinuha ko ito. Hindi tulad ng mga ibang libro, mahahalatang luma na talaga ito.

Sinubukan kong basahin ang nakasulat pero wala akong maintindihan. Hand written ang libro at ibang lengguwahe ang ginamit para isulat ito. Buntong hininga ako at maingat na binalik yung libro sa dati. Binasa ko ang title ng mga libro, tungkol ito sa bayan ng Harsel. Pansin ko na halos lahat ng libro dito sa history section ay tungkol sa Harsel at sa mga nilalang na nakatira dito. Konti lang yung mga libro about sa bansa. Sa totoo lang, parang may sariling mundo ang bayan na ito. Pero wala akong balak alamin sila, totoo man or hindi, ayokong ma-involve sa mundong ginagalawan nila.

"Accept the truth, Arianna. Mas lalo ka lang mapapahamak kapag nagbubulag-bulagan ka."

"Argh!" naiinis na kinuha ko yung malaking libro saka puwesto sa malapit na table. Miss Evans, nakakainis ka na! Bakit ba kasi sinabi niya pa sa akin 'yun?

Hello, Mister FangsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon