Chapter 03: Questions and Confusion

40 10 41
                                    

Chapter 03: Questions and Confusion

"You told me that she will be safe here! So what the hell did just happened?!"

Nagising ako dahil sa lakas ng boses ni mama. Umupo ako, napansin kong nandito na ako sa kwarto ko. Saglit, anong nangyari? Tinignan ko ang sarili ko, nakapambahay lang ako at merong nakakabit na dextrose sa kamay ko. Ano bang nangyari? Hinawakan ko yung ulo ko, pilit inaalala yung nangyari.

"Wala akong matandaan," naiiyak na sabi ko. Pilit kong inalala lahat ngunit hanggang sa pag-alis lang ni miss Evans ang kaya kong alalahanin. May nangyari ba?

"Siguraduhin mo lang," sabi ni mama saka pumasok sa loob ng kwarto. Nakasuot siya ng red coat na aabot hanggang binti. Sa loob ng coat ay nakasuot siya ng black na blouse na nakatuck in sa pantalon niya. "Balitaan mo ako," sambit niya saka nakakunot ang noong pinatay ang tawag.

"Ma? Bakit ako nandito? Bakit ganyan din suot mo? Tsaka sino 'yang kausap mo?" Sunod-sunod na tanong ko habang kinakalikot niya yung phone niya. Nagulat pa siya ng magsalita ako, lumingon siya sa akin.

"Oh, gising kana pala!" Sabi niya saka lumapit sa akin at naupo sa higaan. Hinawakan yung kamay ko. "Kumusta pakiramdam mo, anak?" mahinhin na tanong ni mama, binabalewala lahat ng tanong ko. Hinayaan ko na lang siya. Ganito siya lagi kapag nagkakasakit kami or hindi maganda yung pakiramdam namin. Tinignan ko yung nag-aalalang mukha niya. Ilang taon na si mama pero napakabata niya pa ring tignan.

"Okay lang ako, ma. Ano bang nangyari? Wala na po kasi akong maalala pagkatapos umalis ni miss Evans sa office niya," sabi ko. Biglang sumama yung mukha ni mama.

"Nahimatay ka ulit. Sabihin mo nga sa akin Aries, kumakain at natutulog ka ba sa tamang oras? Iniinom mo pa rin ba yung gamot mo?" Nanernermon na tanong niya.

Hindi po. Gusto kong umamin pero yumuko lang ako at hindi sumagot. Pero kahit na ganon, mukhang nakuha na ni mama kung anong sagot ko. "Nako naman Aries, anak! Hindi ba sabi ko sayo, huwag na huwag mong ititigil na inumin yung gamot na binigay namin sayo? Anak, makinig ka naman sa akin." Nagbuntong hininga si mama.

"Ma, bata pa lang ako iniinom ko na 'yun. Pero wala namang nangyayari sa akin, hindi ako gumagaling. Hanggang ngayon, may anemia pa rin ako," hindi ko mapigilang sabihin 'yun.

Tatlong taong gulang ako noong first time ko mahimatay. Katulad ng nangyari ngayon, wala rin akong matandaan kung anong nangyayari habang inaatake ako. Sabi ng doctor na pumupunta sa bahay, kailangan ko nang uminom ng gamot dahil may anemia daw ako. Capsule lang ang mga iyon at nakalagay sa babasahing garapon. Hanggang ngayon ay kinakailangan ko pa rin itong inumin. Ngunit sa totoo lang, mag-iisang buwan na simula noong huminto ako sa pag-inom.

"Kahit na. Umiinom ka pa ba? Kailan ka pa huminto?"

"Nito lang tsaka nalilimutan ko lang, ma. Masyado siguro akong nagulat sa biglaang paglipat natin dito sa Harsel... kaya nakalimutan ko yung mga dapat kong gawin," pagdadahilan ko. Wala nang nagawa si mama at naglabas na lang ng malalim na hininga. Humiga ulit ako dahil biglang sumakit yung ulo ko. Pumikit ako pero nagmulat rin agad dahil may naalala ako.

"Hala ma, enrolled na ba ako sa school? Nakuha mo ba yung mga documents ko?" tinignan ko siya sa mata.

"Oo, nakuha ko na- pati yung mga uniform na gagamitin mo. ID na lang kulang sayo, since hindi ka nakapapicture kahapon, bukas ka magpapa-id," sabi niya saka inayos yung kumot ko.

"Kahapon? Magpapa-id ako bukas?" Ulit ko, tumango lang si mama. "Wait ma, linggo na ba ngayon? Ganon ako katagal na walang malay?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Oo anak, kaya sobra akong nag-aalala dahil ngayon lang nangyari na umabot ng isang araw bago ka magkamalay. Dati naman ay ilang oras lang, nagigising kana," kwento ni mama. Tumayo siya at kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng coat niya. "Tatawagan ko lang si Doctor Lucas, sasabihin ko na gising kana... Magpahinga ka muna diyan," tumango ako bilang sagot. Nagdial si mama saka lumabas.

Hello, Mister FangsWhere stories live. Discover now