Chapter 10: Combat

22 3 8
                                    

Chapter 10: Combat

Mabilis na lumipas ang mga araw. Today is a whole new day. Magkakaroon kami ng friendly combat ngayon. Sabi ni Hailey, ginagawa daw talaga ito para makita ng mga students kung saan sila nagkukulang at kung anong larangan pa ang pwede nilang maimprove.

Ang friendly battle na gaganapin ngayon nahahati sa tatlong part. Una ay ang physical combat, kung saan hindi maaaring gumamit ng kahit anong ability at mano-mano kang makikipaglaban. Pangalawa, ang weapon-based combat, kung saan gagamit ng weapon of their choice ang mga sasalang ngunit hindi pa rin sila pwedeng gumamit ng kanilang mga abilities. At ang pangatlo, ang all-in combat. Ito ang pinakadelikado sa lahat. Dahil habang nasa arena ka, maari mong gamitin ang kahit anong weapon kasama ang abilities mo. You can do whatever you want, ngunit hindi ka maaaring pumatay.

Ngunit sa ngayon, kailangang limitahan ang paggamit ng abilities para maiwasan ang fatality. Lahat dapat ay makasali sa mismong bloodline battle.

Sa gaganapin na bloodline battle next month, all-in lang ang meron. Iyon na talaga ang totoong laban, doon na pwedeng umatake nang malala.

Sa totoo lang, kinakabahan ako. Nag-train naman kami nang maigi ni Hailey ngunit hindi pa rin 'yun sapat. Baguhan lang ako dito, siguradong kabisado na ng ibang mga estudyante ang galawan ng bawat isa. Samantalang ako, ito ang unang beses na sasalang ako.

"All senior students, please prepare yourselves. The friendly combat will begin in 15 minutes. I repeat, all senior students, please prepare yourselves. The friendly combat will begin in 15 minutes. Thank you."

Pagkatapos ng announcement na 'yun, halos lahat ng estudyante sa room ay sumigaw sa tuwa. Wala pang isang segundo, nawala na sila.

"Goodluck," I heard Patricia said and she vanished into the air.

Napabuntong hininga na lang si Hailey.

"Let's go?"

Tumango lang ako at sumunod na sa kanya. Papunta kami sa locker namin ngayon dahil nandoon yung mga gagamitin namin.

"Hailey, unahan tayo sa locker, oh?" Paghahamon ko.

"Sure! I will not back down," sabi niya saka tumakbo agad.

"Hoy! Wala pang go!" I enhanced my speed para maabutan ko siya. "Daya mo. Pero sorry ka, mauuna na ako." I stick my tongue out at mas binilisan.

"Ari! Watch out!" Narinig kong sigaw ni Hailey but it's too late. May nabangga na ako. Dahil sa bilis ko, naging malakas ang impak nito sa katawan ko. Hinihintay ko na bumagsak ako sa sahig pero may sumalo sa akin, stopping me from falling.

"Careful," as he said those words, naramdaman ko na mas humigpit yung kapit niya sa bewang ko. He looked at me straight to the eyes.

"R-Riel..." For a moment, I was out of breath. Masyado kaming malapit sa isa't-isa.

The way he stares at me is different. Parang merong magnet na hinihila ako palapit sa kanya. Kahit gaano ko subukang putulin yung titigan namin, I can't. It feels like I'm stuck.

"Ehem," narinig kong ubo ni Hailey. Natauhan naman ako at agad na tumayo nang maayos. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Uh... t-thank you," yumuko ako sa harapan ni Riel. Kahit na hindi ko siya nakikita, dama ko pa rin yung tingin niya sa akin.

"No worries, just be more careful next time."

Hindi ako makatingin kay Riel. Sa tuwing gagawin ko, parang nanginginig yung buong katawan ko. Inilipat ko na lang kay Hailey yung atensyon ko.

"Tara na baka malate pa tayo," sabi ko kay Hailey at pinandilatan siya ng mata. Nakatayo lang siya at tila tuwang-tuwa sa nangyayari.

"Ay hindi 'no, we still have time. Mabilis lang naman tayo magpalit e," ngumiti siya nang sobrang lawak.

Hello, Mister FangsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon