Chapter 08: Connection

25 9 26
                                    

Chapter 08: Connection

Nandito ako sa library ngayon. Kailangan kong magbasa tungkol sa bloodline battle. Hindi sapat yung sinabi ni Sir, kailangan kong maghanap ng additional information.

"Ang busy mo naman masyado," sabi ni Miss Lyn saka umupo sa tabi ko. Sinilip niya yung binabasa ko.

"Malapit na po kasi yung bloodline battle, Miss. Bago lang ako dito sa University kaya hindi ko pa masyadong alam kung ano 'yun." Lumingon ako saglit sa kanya saka ngumiti.

"Oo pala, malapit na ang battle niyo. Galingan mo ha? Ikaw ang pambato ko," sabi niya saka tumawa.

"Hindi ko pa nga po alam kung anong mangyayari," nahihiyang sabi ko. Ang cute talaga ni Miss Lyn, pambato daw ako?

"Basta alam kong kaya mo yan. Talunin mo si Erika," hinawakan niya ako sa balikat. Erika?

Humarap na ako kay Miss Lyn. "Sino po ba 'yun?"

"Basta. Makikilala mo rin siya," bigla na lang siyang umalis at pagkabalik niya, may dala na siyang pagkain.

"Bigay niya po ulit?" Tanong ko nang inabot niya sa akin 'yun.

"Ano pa nga ba? Masyado atang nag-aalala sayo, baka raw hindi ka na kumakain." Tumawa si Miss Lyn saka umirap. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"Pakisabi po, thank you. Pakilala naman siya sa akin," biro ko kay Miss Lyn.

"Hay nako, kilala mo na siya. Sadyang ayaw niya lang lumapit sayo," tumawa siya.

Napahinto ako sa pagtawa. Ayaw lumapit sa akin?

"Si Riel po ba ang nagbigay nito?" Malakas ang kutob kong siya nga. Napahinto rin sa pagtawa si Miss Lyn.

"Ah, ano.." wala siyang masabi. Chineck niya yung phone niya, "Una na pala ako, Arianna. Meron pa akong gagawin. Bye!"

"Pero Miss–" nag flying kiss siya sa akin at basta na lang ako iniwan.

Tinignan ko yung pagkain sa harapan ko. Bakit ngayon ko lang naisip na pwedeng siya ang may pakana nito? Lumingon ako sa paligid ko, wala namang kakaiba.

"Hays." Sinarado ko yung libro at nilayo nang konti. Kinuha ko yung pagkain saka binuksan. Pasta at pizza, then lemon juice. Kung dati, kinakain ko ito ng walang alinlangan, ngayon nagdadalawang isip pa ako.

'Sus, ang sabihin mo kilala mo na kasi yung nagbigay.'

Itatabi ko na sana ulit yung pagkain pero tumunog yung tiyan ko. Hindi pa pala ako nagbrebreakfast. Napabuntong hininga ako, kakainin ko na nga.

"Thank you, Riel..." binulong ko lang yung pangalan niya. Ano ba naman.

~*~
M I S S L Y N

Hay nako! Akala ko pa naman alam niya na kung kanino galing yung mga pagkain at binibiro niya lang ako. May pagka naive pala ang batang iyon.

"Miss Lyn, thank you," lumitaw si Riel sa tabi ko. "Kinain niya pa rin yung food kahit alam niyang sa akin galing." Malawak ang ngiti niya. Tuwang-tuwa naman ang bata.

Hello, Mister FangsWhere stories live. Discover now