Arken

23.6K 467 20
                                    


"Reihan, anak! Pag buksan mo nga ako at marami akong dala!" Tinigil ni Reihan ang paglalaro sa kanyang selpon at mabilis na pinagbuksan ang mama Rein niya.

"Ako na po, Ma- Eh?" Nagulat siya nang makitang bukod sa mga groceries ay may dalang batang lalaki ang kanyang mama. Hawak ng mama Rein niya ang braso ng batang lalaki habang ang batang lalaki naman ay nakatayo lang sa tabi ng mama niya habang nakatingala at nakatitig din sakanya.

"Ipasok mo iyang mga pinamili ko at mag-uusap tayo, anak. Bilisan mo." Ani ng mama Rein niya at pumasok sa bahay nila. Naguguluhan man ay sinunod ni Reihan ang utos ng kanyang mama at pumunta sa sala para makapag usap sila.

"Ma, bakit may kasama kang bata?" Tanong niya agad sa mama niya. Ngumiti ang mama niya habang hinahaplos-haplos nito ang buhok ng batang lalaki. Pinagmasdan ni Reihan ang bata at gwapo ito kahit na totoy pa. Moreno ang bata, may matangos na ilong, maganda ang hubog ng mukha, maganda ang itim na itim at medyo singkit na mga mata at matangkad ito pero halatang bata pa. Siguro ay ka-edad niya lang ito dahil pareho sila ng height.

"Siya si Arken, anak. Magiging kapatid mo na siya. Kukupkupin na natin siya." Nagulantang si Reihan at napatitig sakanyang mama. Dalawa na lamang sila ng mama niya sa bahay nila, namatay ang papa niya noong walong taong gulang pa lamang siya ngunit hindi naman naghirap ang mama niya na palakihin siya dahil may kaya naman sila. Sa edad na twelve ay hindi niya inaasahan na magkakaroon pa siya ng kapatid. Sa isip ni Reihan ay nalulungkot siguro ang mama niya dahil dalawa lang sila sa may kalakihan nilang bahay kaya siguro ito mag aampon.

"Talaga, mama? Saan mo siya nakuha?" Ngumiti na rin siya at tumabi sakanyang bagong kapatid na nakatitig pa rin sakanya. Nginitian niya ito. Ang gwapo at cute nito. Medyo kulot din ang buhok ng kanyang bagong kapatid.

"Anak siya ng best friend ko, si Tita Andeng mo ay pumanaw na at iniwan saakin itong si Arken." Nalungkot naman si Reihan para kay Arken kaya hinila niya ito at niyakap. Kahit na niyakap niya na ito ay tumingala pa rin ito at tinitigan pa rin ang mukha niya, mabilis din nitong pinalibot ang mga braso sakanya. Ngumiti siya dito ng malapad.

"Hi, Arken. Ako si Reihan, ang magiging kapatid mo. Okay lang ba iyon sayo?" Natutuwa niyang ani dito habang parang namamangha naman itong nakatitig pa rin sakanya. Ang cute cute nito sa ginagawa.

"Kuya Reihan mo na siya, Arken." Tumingin siya sakanyang mama. "Ten pa lang siya, Reihan." Nagulat siya dahil halos katangkad niya lang ito, hanggang ilong niya ito pero dalawang taon pala ang agwat nila. Napangiti siya at tiningnan muli ang bagong nakababatang kapatid.

"Ang big mo naman pala para sa ten years old, baby Arken." Bigla itong ngumisi na ikinabigla niya ng konti.

"Baby Arken." Sambit nito sa mahinang boses. Ngumiti siya at tumango. Sa isip ni Reihan ay ten na ito pero hindi masyadong palasalita hindi katulad niya na madaldal.

"Oo, at ako ang kuya Reihan mo. Okay ba?" Tumango ito at nagulat siyang muli nang tumingkayad ito ng konti para mahalikan siya sa tungki ng ilong niya. Napatitig siya dito bago natawa.

Ang cute cute ng bago niyang kapatid.


SEE YOU ON CHAPTER ONE

Arken NeedsWhere stories live. Discover now