04

11.1K 345 47
                                    


Reihan's

Nagising ako sa kama ng kapatid ko. Masakit ang ulo ko at hindi ko masyadong maalala kung paano ako umuwi kaya napaungot ako. Isinubsub ko ang mukha ko sa unan ni Arken. It smells like him. Smells good.

Ilang minuto pa akong nakaidlip bago ko narinig ang boses ni mama.

"Reihan anak, may tao sa baba. Si Elizer, hinatid niya daw ang motor mo." Napamulat ako sa sinabi ni mama. Inalala ko kung paano nasakanya ang motor ko pero wala akong maalala. Umungot ulit ako at tumayo. Kumuha lang ako ng sando at iyon ang isinuot.

"Nakabalik na pala ang pamilya ni Elizer, anak? Ang laki na ni Eli." Si mama. Tumango ako at lumapit sakanya para humalik sa pisnge.

"Morning ma, saan si Arken?" Tanong ko habang pababa kami ng sala.

"Maagang umalis, hindi sinabi kung saan pupunta." Nangunot ang noo ko at dumiretso muna sa kusina para kumuha ng mansanas na binili pa saakin ni Arken bago ako pumunta sa sala at doon ko nakita si Eli.

"Aga naman ng istorbo mo, Eli." Biro ko. Ngumiti siya at tumabi ako sakanya ng upo. May juice at tinapay sa harapan niya na sa tingin ko ay binigay ni mama. Hindi niya pa iyon nagagalaw.

"Kinukulit mo ko kagabi na maagang ihatid yung motor mo 'e. You were so wasted last night, man." Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ko iyon matandaan.

"Sorry, can't really remember. May iba pa ba akong ginawa?" Tanong ko at kinuha ang juice na nasa mesa at ako na ang tumungga habang kumakain ng mansanas. Pinanuod niya muna ako bago sumagot.

"I don't know, sila Kline ang kasama mo 'e. Pero buhay ka naman nakauwi, hinatid ka nga namin at yung kapatid mo ang nag bukas ng pinto." Napasulyap ako sa sinabi niya. "May kapatid ka na pala?" Tanong niya saakin. Napakagat ako sa mansanas at tumango.

"Hmm, remember Tita Andeng?" Tumango naman si Eli. "He's her son, she passed away and we kept Arken. He's my brother." Paliwanag ko. Tumango naman ulit si Eli at ininom ang juice na natira ko. Sa parehong pwesto ko pa niya ininuman iyon. Nailang pa ako nang dilaan niya pa ang labi nang maubos ang juice. Napabuga ako ng hangin. Why is everyone so weird lately?

"I heard that Tita Andeng passed away, umiyak nga si mama 'e but we can't go back here. Nasa inyo pala ang anak ni Tita, his name is Arken?" Tumango ako.

"Hmm, he's a good brother. The best." Ngiti ko at kinuha ang tinapay na hindi niya ginagalaw. Hindi siya sumagot at pinanuod lang akong kagatan ang tinapay niya. Sobrang mapag mantyag naman nito.

"Reihan! Kay Eli yan! Bakit mo kinakain?" Nagulat ako nang hampasin ako ni mama sa balikat. Tumawa naman si Eli.

"It's okay, Tita. We can share." I scoffed at what Eli said. Ayaw ko nga. Pwede naman siyang kuhanan ulit ni mama ng tinapay. Nagugutom na ko 'e. Hindi niya naman nga ginagalaw yung tinapay kanina.

"Napaka takaw mo talaga, may mansanas ka na nag titinapay ka pa? At wag mong sabihing ikaw ang umubos ng juice ni Eli?" Pameywang ni mama. Agad akong umiling.

"Hindi 'a, siya kaya. Sinimot niya pa nga 'e." Nguso ko. Inirapan lang ako ni mama at tumawa lang ulit si Eli. Nag usap pa kami ni Eli nang mahaba, our topic is mostly about our life when we separated. Matagal bago dumating ang magaling kong kapatid na may hawak na maliit na paper bag. Arken looked at both of us. Tumagal ang tingin niya kay Eli.

"Saan ka nanaman galing?" Tanong ko. Tumingin siya saakin at lumapit. Nailang ako nang halikan niya ako sa gilid mismo ng labi ko bago pumasok sa kusina para ata mag mano kay mama.

Hindi naman ako nailang dahil hinalikan niya ako, nailang ako dahil ginawa niya iyon habang nakatingin saamin si Eli na mukhang nagulat rin. Tumikhim ako.

Arken NeedsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon