29

5.7K 186 6
                                    


Reihan's

Kumain nga kami sa kainan na nakita ko kanina at hindi ako binigo ng lasa ng mga pagkain dito. Magana akong kumain dahil maganda na ang view tapos masarap pa ang mga pagkain, kasama ko pa si Arken na halata sa mukha ang saya, pareho kaming masaya.

“After this maghahanap ako ng nagtitinda ng mga squid at shrimp, ipapaayos ko na rin yung bonfire at pag iihawan natin mamaya.” Nakangiting sabi ni Arken bago kumuha ng ginataang pagi gamit ang tinidor niya at inilapit iyon sa bibig ko.

“Try this,” Sabi niya kaya ibinuka ko naman ang bibig ko at isinubo iyon. Napatango-tango ako nang matikman na masarap iyon, medyo maanghang din kaya't kumuha ako nun at inilagay sa kanin ko. Medyo madami ang tao sa pinagkakainan namin pero hindi namin iyon alintana ni Arken at ang sweet-sweet niya pa saakin. May mga ibang napapatingin saamin pero hindi namin iyon binibigyan ng pansin, hindi naman nila kami kilala kaya't komportable kaming kumakain ni Arken at nagiging sweet sa isa't-isa. Minsan lang ito mangyayari habang nasa public kami dahil kapag bumalik kami sa lugar namin ay madaming nakakakilala saamin ni Arken bilang magkapatid so we're not allowed to act this way because they might see us.

Habang kumakain ay may sumagi sa isip ko.

“How did you know about this place, love?” Tanong ko. Tumigil naman siya sa pagsubo at nilunok ang kinakain niya bago sumagot.

“Dinala ako dito ni Hamdel noon, favorite place niya daw kasi 'to, naging favorite place ko na din kasi sobrang simple at peaceful lang dito.” Paliwanag niya. Napatango naman ako at tiningnan ang dagat sa harapan ko. Medyo malayo iyon pero tanaw pa din namin ang low tide na dagat habang kumakain. May mga iilang nagtatampisaw pa rin kahit low tide at may mga bangka naman na dumarating dahil papalubog na ang araw.

“Ang ganda nga dito, balik tayo dito 'a?” Sabi ko at nangingiting tumango naman siya bago ako sinenyasan na ipagpatuloy na ang pagkain.

Nang matapos kami kumain ay pinauna na ako ni Arken sa kubo namin at hintayin ko na lang daw siya doon.

“Bili ka din beer, love.” Ani ko at tumango naman siya. Lumakad na ako pabalik sa kubo namin pero bago pa man ako makarating ay may nakita akong tatlong lalaki na naghahabulan sa buhangin. Hindi ko na sana sila papansinin dahil hindi ko agad sila nakilala pero narinig ko ang usapan nila.

“Tama na, please! Masakit na ang tiyan ko!” Sigaw ng pamilyar na boses.

“Liam! Bilisan mo!” I was so shocked and confused when I recognized the three of them. It was Hamdel, and the other two who's chasing him is Liam and Kline. Nang sa wakas ay mahabol na ng dalawa si Hamdel dahil nadapa ito ay dinaganan nila ang huli. Kunot noo akong naglakad palapit sakanila.

Bakit naman kaya napunta ang mga lokong 'to dito? Sinundan ba nila kami? Mga siraulo talaga.

“Ehem!” Tawag pansin ko sakanilang tatlo. Natigil sila sa pagtatawanan habang halos nakahiga na sila sa buhangin dahil sa paghaharutan. Tumingala sila saakin at mukhang nagulat pa sila. Pinagtaasan ko sila ng kilay.

“S-Sorry, kuya Rei! Pinilit nila akong sabihin kung nasaan kayo ni Arken!” Si Hamdel ang unang nagsalita. Pinandilatan ko naman ng mga mata si Liam at Kline. Pareho silang napangiwi.

“H-Hindi naman namin kayo i-istorbohin, gusto lang din namin lumabas, hehe.” Rason ni Kline. I rolled my eyes at him.

“Anong oras pa kayo nakarating dito?” Tanong ko dahil pare-pareho silang basa, halatang naligo sila sa dagat.

“Kanina pa, pero hindi na namin kayo hinanap kasi baka ayaw niyo ng istorbo.” Ngiwi ni Liam habang pasulyap-sulyap sa likod ko. Tiningnan ko naman ang sinusulyapan niya at nakita ko si Elizer na kasama si Arken na nakanguso. Mukhang alam niya na na sinundan kami ng mga loko. May kasama silang tatlong lalaki na may mga dalang bucket at plastics na hindi ko alam kung ano ang mga laman. Naka parehong unipurme iyong tatlong lalaki kaya sigurado akong staff sila sa resort na ito.

Arken NeedsWhere stories live. Discover now