02

12.3K 399 53
                                    


Reihan's

"Hindi." Nalito ako sa sagot ni Arken. Kung ganoon ay bakit niya ginagawa iyon kanina habang hinahalinghing ang pangalan ko? Kuya niya ako at pareho kaming lalaki.

"Bakit mo inuungol kanina ang pangalan ko?" Gusto ko lang talaga malaman. Hindi napatid ang pag titig saakin ni Arken habang komportable itong nakahiga sa kama ko na parang hindi ko siya nakita kanina na nagsasarili.

"Ikaw ang iniisip ko, eh." Lalo akong nanghina sa sinabi niya. Bakit?

"Bakit? Magkapatid tayo, Arken." Hindi ko alam kung ano ang tono ng pagkakasabi ko pero nanghihina talaga ako at nalulungkot. Bakit ganon ang iniisip ni Arken? Kapatid ko siya at iyon talaga ang turing ko sakanya, akala ko ay ganon din ang turing niya sakin pero may iba pala itong iniisip saakin.

"Sino ba dapat? Ikaw ang dahilan kung bakit tumitigas ang ari ko 'e." Nabilaukan ata ako sa sariling laway.

"A-Arken!" Gulat kong ani. Seryoso lang ang mukha niya na ikinainis ko. Wala man lang karea-reaksyon kahit ganito na ang pinag-uusapan namin.

"Hindi tayo totoong magkapatid, kuya Reihan. Kung naguguluhan ka kung bakit tumitigas sayo ang ari ko ay wag ako ang kaharapin mo, itong bwesit na 'to." Namula ata ako nang inis niyang ituro ang sariling ari na nakakubli na sa manipis na tela ng boxer pero bakat na bakat pa rin dahil sa taba at laki.

"Arken Gab Baltazar, wag ka ngang bastos. Kuya mo ako, hindi mo dapat ako pinagnanasaan." Saway ko sakanya. Inis itong iniwas ang tingin saakin.

"Hindi tayo magkapatid sa dugo man o sa papel, Reihan Cubo." Naguguluhan ako lalo sa inaakto ng kapatid ko. Lumaki kaming magkapatid ang turingan, o ako lang ba talaga ang kapatid ang turing sakanya?

"Arken," Malungkot kong ani sa pangalan niya. Sumulyap siya saakin at hinawakan ang magkabila kong pisnge.

"Kuya Han, ayaw kong maging kapatid ka lang, pero kung iyon ang gusto mong maging tratuhan natin ay gagawin ko, kalimutan mo na lang ang nakita mo kanina." Hinila na ako nito pahiga sa kama katabi siya. Naguguluhan pa rin ay umayos na rin ako ng higa at humarap sa kapatid kong binatang-binata na kung manalita.

"Ayaw mo kong maging kapatid?" Ulit kong tanong. Bumuntong hininga ito at tumitig saakin.

"Gusto kitang patungan ngayon at halikan nang walang patid, kuya. Kaya matulog ka na dahil sobrang lasing ka ngayon alam kong hindi mo rin ito maaalala bukas." Nabigla ako nang ilapit niya saakin ang mukha niya at dampian ako ng mabilis na halik sa mga labi ko. Napakurap-kurap ako bago tumihaya at pumikit.

Kaya pala madaldal saakin ngayon si Arken at napaka honest ay dahil akala nito ay lasing na lasing ako. Madalas ko ngang makalimutan ang mga ginagawa ko kapag lasing pero iba ngayon, hindi ako ganon ka-wasted para hindi ito maalala.

Napailing na lang ako at yumakap sa matipunong katawan ng kapatid ko na inaakalang lasing na lasing ako kaya kanina pa daldal nang daldal. Lihim akong natawa. Hahayaan ko na lang siyang isipin iyon dahil ayaw ko rin maging awkward kami, baka dumistansya pa saakin ang kapatid ko. Ayaw ko iyon na mangyari. Panigurado ay tag sibol lang ni Arken kaya't kahit ako ay napagnanasaan nito.

---

Nagising ako nang wala na si Arken sa tabi ko. Naalala ko ang lahat kagabi at ngayon nga ay masakit na masakit ang ulo ko. Napadaing ako sa sakit ng ulo ko at nagmamadaling pumasok sa banyo nang makitang alas siete na nang umaga. 8:30 ang pasok ko kaya't mabilis akong naligo at nagbihis bago bumaba ng kusina. Naabutan ko roon si mama na naghihimay ng lutong isda habang si Arken naman ay kumakain ng almusal.

Arken NeedsOnde histórias criam vida. Descubra agora