26

6.6K 174 16
                                    


Reihan's

Asar akong pumasok sa kwarto namin ni Arken at hindi ko siya roon nakita. Napaungot ako at napasalampak na lang sa higaan ko sa sobrang inis.

Grabeng sermon ang inabot ko kay mama dahil tatlong araw niya raw akong hindi nakita at puro si Kline ang sumasagot kapag tumatawag siya saakin. Hindi ko alam kung anong mga rason ang sinabi ni Kline sakanya pero napingot pa ako ni mama sa tenga at hindi niya raw ako bibigyan ng allowance for one week. Nasabunotan ko ang sarili kong buhok dahil sa inis.

Bakit ba kasi ako nag drama at lumayas nang tatlong araw? Bwesit.

"-Fuck yourself, don't ever show yourself to me, I'm still pissed and I will fucking kill you if you ever go near him again!" Nagulat ako nang biglang pumasok si Arken sa kwarto at iyon agad ang narinig kong isinisinghal niya sa kausap niya sa selpon. Agad nagkasalubong ang mga mata namin. Ibinaba niya agad ang tawag nang makita niya ako.

"Who's that?" Tanong ko kahit parang alam ko na kung sino ang kausap niya. Umiling siya at lumapit saakin. Umupo siya sa kama na kinahihigaan ko at hinaplos ang gulo-gulo kong buhok habang malambot ang ekspresyon niya habang nakatitig sa mukha ko. I smiled at him.

"No one, I promise that I will always protect you, Reihan, no one can ever hurt you again, love." He sincerely said before kissing my forehead. Napapikit ako at napangiti sa sinabi niya. Kanina pa siya sorry nang sorry saakin at promise nang promise na hindi na ulit mangyayari iyong nangyari noong isang araw. I believe and trust him.

"I'm okay now, you should talk to Hamdel tho, wala naman siyang kinala-" Pinutol niya agad ang sasabihin ko.

"Not now, I'm still really pissed. I'll talk to him once my head is clear." Napangiwi ako sa sinabi niya at tumango na lang. I didn't dare to bring up Harper namep because I can really see that he's still furious about that incident. Mas galit pa siya saakin. Well, I understand that he's so protective over me because I am also overprotective to him. I guess you'll be like that if you love someone.

"I love you, Arken." Ngiti ko sakanya. Gusto kong paulit-ulit na sabihin iyon sakanya hanggang sa magsawa siya. I want to shower him with my love, not only with words but also with actions. I want to make it up with him, alam kong matagal akong naging manhid sakanya.

Nakita kong napakagat labi siya dahil sa sinabi ko pero pinigilan niyang mapangiti.

"I love you too, but I'm still mad about what I saw earlier." Natameme ako sa sinabi niya at hindi agad ako nakapag react. "Bakit kasama mo ang gagong yun?" Seryoso niyang tanong. Napakurap-kurap ako nang ilang beses bago napaiwas ng tingin sakanya.

Shit. Anong sasabihin ko? Na nilapitan ko si Gaston para i-comfort siya kasi naaawa ako don sa tao? I can't say that, Arken is so unreasonable when he's jealous.

"A-Ano, nag usap lang kami a-about family problems," Iyon lang ang nasabi ko. He scoffed.

"Kuya, wala ka namang problema about sa family, you only have me and mama, and why would you want to know about that person family problems?" Taas-kilay niya saakin. Nakagat ko ang labi ko at kapagkuwan ay napanguso. Inabot ko ang kamay niya at hinila ko siya pahiga sa kama, pagkatapos niyang makahiga ay umibabaw ako sakanya para doon din mahiga. Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya at agad niya naman akong hinawakan sa likod at ulo para alalayan.

"Arken, ano sa tingin mo ang gagawin ni mama kapag nalaman niya ang tungkol sa relasyon natin?" Iniba ko ang usapan para malayo kay Gaston ang topic pero seryoso din talaga ako sa tanong ko. Matagal na din akong nababahala sa magiging reaksyon ni mama kapag nalaman niya ang saamin ni Arken. Narinig ko namang napabuntong hininga si Arken at ilang segundo siyang napaisip.

Arken NeedsWhere stories live. Discover now