46: Introducing Hans side-story.

6K 184 16
                                    

2 months timeskip..

Han's

I was smiling with my eyes while watching my parents being sweet to each other. Kakauwi lang namin noong isang araw galing Australia dahil doon sila kinasal at syempre ay kasama ako dahil ilang buwan na lang ay magiging legal na anak na nila ako sa papel. Daddy Arken will give me his surname.

Lumapit ako kay papa Reihan at Dad Arken para bigyan silang dalawa ng halik sa pisnge. Tuwang-tuwa naman sila saakin at nag picture pa kami kasama ang mga kaibigan nilang dalawa. Papa Reihan's friend and Dad Arken friends are here together with my new grandparents and also Dad Arken sister. Halos lahat ng tao sa resort ay nandito rin sa tapat ng bahay namin kung saan ginaganap ang celebration para sa ginanap na kasal ng bago kong mga magulang. Pangalawang reception na ito dahil yung una ay ginanap sa Australia.

I'm so lucky that I've met the both of them, pareho silang mabait kahit na medyo nakakatakot si Dad Arken lalo na ang mga tingin niya kapag hindi niya gusto ang ginagawa ko. Dad Arken is so protective, strict but he's also super caring, while my papa Reihan is also protective but a little bit paranoid when it comes to my health and safety. I don't mind tho, they're both capable of taking care of me and I can't wish for more. Nasa tamang pamilya na ako at hinding-hindi ko sila bibiguing dalawa. I'll study hard and be the best child for them.

“Hi, Hans.” I was startled when I heard kuya Oasis voice. Napalingon ako sakanya at nasa likod ko siya at nakangiti. Kuya Oasis is Tito Liam and Tito Elizers' oldest son. Kuya Oasis is also adopted like me, may kapatid siya at si ate Lev iyon. Kahit na magkapatid sila ay magkaibang-magkaiba ang ugali nilang dalawa. Ate Lev is sweet and timid, while kuya Oasis is always hyper and a brat. Hindi nga gusto ni Dad Arken na lumalapit siya saakin kaya lagi ko siyang iniiwasan, pero lagi niya naman akong nilalapitan.

“Please don't talk to me, kuya Oasis. Dad Arken will scold the both of us again.” Sabi ko sa mahinang boses dahil nangyari na ito noon. Dad Arken saw kuya Oasis with me and he wasn't happy about it, nakita niya kasing inaakbayan ako ni kuya Oasis. Mas pinagalitan niya nga noon si kuya Oasis pero makulit at mapilit ito at lagi pa rin akong nilalapitan.

“Ugh, your Daddy Arken is so lame, it's not like I will bite you, hindi naman ako nangangain.” Parang naiinis na sabi ni kuya Oasis na ikinakunot noo ko. What is he saying?

“I don't understand, Dad doesn't think you will eat me, but he still doesn't want you around me.” Kunot-noo kong sabi sakanya. Natigilan naman siya at napatitig saakin bago natawa.

“HAHAHAHA! That's a metaphor, Hans. God, paano ka ba nila pinapalaki? Your brain isn't braining, so innocent.” Sabi niya pa na hindi ko ulit masyadong naintindihan pero nainis ako sa tono niya. Napairap ako at tumalikod na sakanya. Napaka pilyo talaga ni kuya Oasis, palagi niya akong inaasar.

“Hoy? Saan ka pupunta?” Narinig ko pa siyang nagtatanong pero nagmamadali akong tumakbo palayo sakanya. Natatakot akong baka makita kami ni Dad Arken at pagalitan niya nanaman kami. Hindi ko talaga gusto na nagagalit si Dad, he's so intimidating. Hindi pa nakatulong na malaking tao si Dad, sa tingin ko ay isang palo niya lang saakin ay mamamaga ang buong katawan ko, sobrang liit ko raw kasi. Pero hindi niya naman ako pinapalo, lalo na si papa Reihan, they both don't raise their hands on me.

Tumigil ako sa pag takbo nang mapunta ako sa labas ng gate ng bahay namin. Lumingon ulit ako sa nagaganap na okasyon sa tapat ng bahay at babalik na sana ako pero nakita ko ulit si kuya Oasis na mukhang hinahanap ako kaya lumabas na lang ako sa gate. Napabuntong hininga ako at naglakad papunta sa dati kong tinitirhan, sa maliit kong kubo na nasa tabi lang ng bahay ng mga magulang ko. Inayos ko ang suot kong necktie pero naiinitan na ako kaya niluwagan ko iyon at binuksan ko rin ang ilang butones ng suit na suot ko. Papa Reihan made me wear this because he said it looks so good on me. Ang dami ko na ngang damit sa closet ko, parang araw-araw ako binibilhan ni papa ng mga damit at gamit. Ganon rin si Dad Arken, pero madalas ay pagkain ang binibili para saakin ni Dad.

Arken NeedsOn viuen les histories. Descobreix ara