03

11.3K 353 73
                                    


Reihan's

Nang sumapit ang alas kwatro ay wala na akong pasok pa. Naalala ko ang text saakin kanina pero nagdadalawang isip ako dahil baka mapahamak lang ako, at alam kong magagalit ang kapatid ko kapag ginawa ko 'to. Pero curious din talaga ako sa sasabihin ng kung sino man ang nag text saakin kaya inilabas ko ang selpon ko at tumipa.

Tinanong ko kung sino siya at kung hindi niya saakin sasabihin ay hindi ako sisipot. Ilang minuto bago ulit ito nag text saakin.

Gianna.

Kumunot ang noo ko. Gianna? Ito iyong pinag-uusapan nila Harper kanina? Ano naman kaya ang sasabihin niya saakin?

Napabuntong hininga ako at naglakad papunta sa abandunadong building sa loob ng campus. Alas singko pa ang labas nila Arken at wala naman akong ibang gagawin kaya't pupuntahan ko na lang din itong Gianna. Baka importante din ang sasabihin niya. Medyo kinakabahan ako pero umakyat pa rin ako sa rooftop ng abandunadong building at nakita ko nga doon ang isang maputi at maliit na babae. Maganda din siya.

“Ikaw ba yung Gianna?” Tanong ko. Tumango saakin ang babae at tiningnan ako mula paa hanggang ulo. Kumunot ang noo ko at nagtanong ulit.

“Ano bang sasabihin mo?" Tanong ko ulit. Hindi agad siya sumagot at may inabot saaking maliit na envelope. Pinagmasdan ko muna siya. Kung hindi ako nagkakamali ay senior ko siya. She's already a fourth year college student. Ano naman kaya koneksyon niya sa kapatid ko bukod sa may gusto siya kay Arken?

I sighed and started opening the envelope. Nang mabuksan ko na ay nakita ko ang limang magkakadikit na black and white picture. Kumabog ang dibdib ko nang mapagtanto kung ano iyon.

“What the hell?" Singhal ko sa babae. Nagulat pa ako nang umiyak agad siya.

“I'm pregnant, si Arken ang ama.” Napaubo ako at parang ako ang pinagbagsakan ng langit dahil sa sinabi niya. Totoo ba ito? May nabuntis si Arken? Napahawak ako sa bibig ko at hindi makapaniwalang napatitig sa babae habang umiiyak ito. Parang gusto ko din umiyak dahil sa nalaman. Bwesit.

“A-Alam niya na ba? Bakit sakin mo sinasabi 'to? K-Kay Arken ba talaga yan?" Sunod-sunod kong tanong. Oo kilala ko ang kapatid ko sa halos lahat na bagay pero hindi sa ganitong bagay, I don't know anything about his sex life kaya pati ako ay kinakabahan ngayon.

“Siya lang ang posibleng maging ama nito! Sinabi ko na sakanya kahapon pero ayaw niyang maniwala, ayaw niya akong panindigan!" Napaatras ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. “Please Reihan, tulungan mo 'ko. Alam kong makikinig sayo si Arken! Please!"

Napailing ako. Hindi ko alam ang paniniwalaan at nalilito ako. Kailangan ko ang side nilang pareho.

“Alam mo bang eighteen pa lang ang kapatid ko? Ilang taon ka na? Ang alam ko ay senior pa kita, bakit hindi ka nag isip? Bakit hindi kayo nag isip?" Naiinis kong ani. Kung totoo ito ay masisira ang pareho nilang pag-aaral. Ayaw kong masira ang buhay ni Arken pero kung anak niya nga ang pinagbubuntis ng babaeng 'to ay kailangan niya 'tong panindigan. Nanakit ang ulo ko at sumikip ang dibdib ko sa mga posibilidad na naiisip ko kung totoo nga ito.

“Hindi ko na alam, please lang, hindi ko 'to kaya mag-isa." Iniwas ko ang tingin ko sa babae at naiinis na tumalikod.

“Kakausapin ko siya, umuwi ka na." Ani ko at asar na bumaba ng building na iyon. Hinintay ko si Arken sa parking lot kung saan naroon ang motor ko. Hindi ako mapakali. Paano pag kinalat 'to nung Gianna? This is a mess. Pero mas iniisip ko si Arken at ang bata, kung sakanya nga iyon.

Sa wakas ay naglabasan na ang mga first year at nakita ko na si Arken na walang emosyong naglalakad papunta saakin. Huminga ako nang malalim.

“Bilisan natin pauwi." Agad kong sabi at sinuot ang helmet. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago tumango at nagsuot na rin ng helmet.

Arken NeedsWhere stories live. Discover now