43

6.6K 172 8
                                    

Five months timeskip..

Arken's

Tutok na tutok ako sa ginagawa kong trabaho nang pumasok si Reihan sa kwarto namin. I looked at him and he looks tired.

“Are you okay, love? Hungry? You want me to cook for you?” Binitawan ko ang hawak kong papeles at agad ko siyang tinanong. It's just 3 pm and I thought he's going to come home from work at 6 in the evening so I haven't cook anything yet. Mukhang maaga natapos ang trabaho niya.

“No, I want to sleep.” Lumapit siya sa kinauupuan ko at kumalong saakin para halikan ako sa labi. Agad kong inalalayan ang bewang niya para hindi siya mahulog.

“Tired?” Tanong ko. Tumango naman siya at ipinatong sa dibdib ko ang ulo niya.

“Yeah, pumunta ako sa resort after my work to see if our house is already in construction, in my estimation, I think it'll take 7-9 months for it to finish.” Kwento niya. Hinaplos ko naman ang buhok niya at hinalikan iyon.

“You should've told me to come,” Ani ko. Umiling naman siya.

“You're working and you're also getting ready for the entrance exam you're going to take to study again, I don't want to disturb you.” Rason niya. That's right, I'm going to study again so I can have a college degree, Reihan wants it and I also want it. Tho I only want it so I can have my degree but after I graduate, I'll probably continue being a businessman, no one is going to take over so I can't leave my father's company. Ainee is only 18 and she also doesn't want to take over Dad's business.

“I will always make time for you, love, you're not a disturbance.” I said with a matter of fact. Kahit ano pang trabaho ang nasa harapan ko, I can always drop it just to be with him.

“I know, but I can manage,” Sabi niya at tumayo na sa pagkakakalong saakin. Muli niya akong hinalikan sa labi nang mabilis lang. “I'll just take a shower and go to bed, wake me up later, 9 pm so I can eat dinner, hm?” Sabi niya pa bago pumasok sa banyo. Napailing ako at napapangiting ibinalik ang atensyon sa trabahong ginagawa ko. For the past five months after we got back together, naging bahay ko na ang bahay ni Reihan habang hindi pa gawa ang ipinapagawa naming bahay sa resort. Our setup is always like this everyday, nagtatrabaho kaming pareho pero palagi kaming may oras na nakalaan para sa isa't-isa. Our life together is great as expected and the only thing missing is a ring on our fingers.

I want to marry him already but I couldn't find a perfect timing to propose. Bukod sa kinakabahan ako ay hindi ko talaga alam kung paano ako mag p-propose. Matagal na nasaakin ang singsing noong hindi pa man kami nagkakaayos ay nagpagawa na ako ng singsing at ilang buwan na iyon na nasaakin. Gusto ko na paghandaan ang pagluhod ko sa harap niya kaya noong isang araw ay humingi na ako ng tulong kay Hamdel para maisagawa ko iyon.

Natigil ako sa pag-iisip nang lumabas si Reihan galing sa banyo. Nagpupunas pa siya ng buhok niya habang nakasuot lang ng t-shirt ko na malaki sakanya at underwear.

“Don't sleep while your hair is still wet, love.” Paalala ko nang makita kong agad siyang humiga sa kama para matulog. Napaungot naman siya at tumaob ng higa.

“I can't.. fight my sleepiness.. anymore..” Napapaungot niyang sabi bago siya tuluyang nakatulog nang nakadapa. Napailing ako at kumuha ng hair dryer bago ko siya nilapitan sa kama. Umupo ako sa gilid niya bago ko tinuyot ang buhok niyang basa pa. Pagkatapos ay dahan-dahan ko siyang itinihaya para komportable siyang makatulog.

Bumalik ako sa swivel chair ko at tinuloy ko ang trabaho hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. It was already nearing 9 pm when I stood up from my chair. Mabilis akong bumaba ng kusina para ipagluto si Reihan. Marami ang tinapos kong trabaho at hindi ko na namalayan pa ang oras kaya simple lang ang niluto ko para maka-kain na agad kami.

Arken NeedsWhere stories live. Discover now