15

10K 271 28
                                    


Reihan's

LAmang na lamang ang school team namin, lamang na lamang ang score nila Gaston kumpara sa kalaban kaya kita kong pa chill-chill lang ang coach nila habang katabi ako sa upuan.

Nang mag tawag ng break ang kalaban ay lumapit saamin ang players at agad kong inabot kay Gaston ang tumbler niya at pamunas. Ngiting-ngiti naman siya habang kinukuha iyon. Napangiwi ako.

Hindi naman ako late kanina kahit na may ginawa pa kaming kalokohan ni Arken sa hagdanan. Nang makapasok ako sa gym ay lumapit agad ako kila Kline na nasa tabi ng basketball team namin, ang coach at iba pang nag a-assist sa basketball team. Halos apat lang kaming waterboy dahil hindi naman talaga siya required pero dahil sosyal ang school ay nag p-provide pa din ng students na magdadala ng mga bimpo at malamig na tubig para sa players. May snacks din after ng laro. Actually kami lang talaga ni Kline ang waterboy, yung dalawang kasama namin ay parang sa medical kung sakaling may mabalian o madislocate ang kung ano sa players. Mga kaartehan. Si Arken ay nasa likod ko kasama ang crowd habang nasa bench kami ni Kline sa mismong gilid ng court. Hindi ko man siya sulyapan ramdam ko naman ang mga titig niya. I tsked. Mukhang hindi niya talaga gusto si Gaston.

“Hi, pretty boy, hold this.” Nagulat ako nang ipahawak saakin ni Gaston ang pamunas niyang basang-basa ng pawis niya. Bwesit! Kanina ko pa nga pinapalitan ang pamunas niya kada break dahil pagkatapos niya gamitin yung bimpo ay talaga namang basang-basa! Hindi naman mabaho ang pawis niya pero hindi ko gustong hawakan!

Wala akong nagawa at tumunog na ang hudyat na tapos na ang break call ng kabila kaya bumalik nanaman sila sa gitna ng court. Nanuod lang ako mula sa bench at magaling talaga si Gaston pero wala talaga akong kainte-interes sa basketball o ano mang sports kaya bored na bored ako habang hinihintay ko silang matapos.

Maraming nagtitiliang mga babae at mga binabae sa team namin kahit hindi naman nila team 'to. Madaming fan girls ang ugok dahil pangalan niya ang lagi kong naririnig na sinisigaw. Well, gwapo naman talaga ang loko at yayamanin tingnan dahil anak mayaman nga naman talaga, mas gwapo nga lang iyong kahalikan ko sa hagdan kanina. Nakagat ko ang labi ko dahil sa katarantaduhang naisip. Punyeta. Nangingiti nanaman ako mag-isa. Malala na 'to. Kailan pa ko kinilig dahil sa lalaki? At kay Arken pa? Tsk. Tsk.

Sinulyapan ko ang inuupuan ni Arken at nagtama ang mga mata namin. Nginitian ko siya at tipid din siyang ngumiti saakin. Ibinalik ko ang tingin ko sa court at saktong tumunog ang hudyat na tapos na ang laro at panalo ang school namin ngayong araw. Lalong umingay sa gymnasium at dumami ang tao sa mismong court.

Lumapit saamin ang players na humihingal at agad ko naman silang pinag-abutan ng tubig at bimpo bago ko inabutan si Gaston na naghihintay na pala sa likod ko.

“Was it good? Did you watch?” Tanong niya. Sinulyapan ko ang mukha niya at halatang pagod siya pero masaya. Tumango ako.

“Okay lang, walang thrill yung kalaban niyo.” Kibit-balikat ko. Natawa naman siya pero agad na naningkit ang mata habang nakatingin sa bandang leeg ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay at magtatanong na sana ako kung pwede na ba ako umalis dahil tapos naman na ang laro pero bigla niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko, sinundot niya pa ang parte sa leeg ko kaya napaatras ako.

“Hoy! Anong ginagawa mo?” Kunot noo ko sakanya. Hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa mukha ko.

“You got light hickeys on your neck, paos ka din, interesting, playboy.” Ngisi niya saakin. Agad akong napahawak sa leeg ko at inikot ang tingin sa court na halos mapuno na ng tao, baka may nakakitang iba! Bwesit. Si Arken! Alam niya namang nasa school kami pero naglagay pa din siya! Argh!

Tatalikod na sana ako nang biglang bundulin ni Gaston ang utong kong may piercing ng bottled water niyang may laman pa. It was only gonna be a light tap, I can tell, but someone also bumped into me from behind kaya lalong nadiin iyong tumbler sa utong ko. Agad akong nanghina nang kumalat ang sakit mula sa utong ko papunta sa halos buong katawan ko. Ganon kasakit! Hindi agad ako nakakibo at napahawak ako sa balikat niya habang iniinda ang sakit na ginawa niya sa utong kong sensitibo dahil kakalinis ko lang nun kanina at dumugo pa iyon sa shower!

Arken NeedsWhere stories live. Discover now